#36: Sweetest Downfall

80 2 4
                                    

Ni-republish ko pa itong chapter na ito. Nagloko po siya at bitin ang unang UD.

THE LAST 5 MEMORIES


Enjoy Reading!
××××××××××××

|TRES’ POV|

MASAYA AKO kasi muli ko nanamang nakasama ang tunay kong pamilya. Yung pamilya kong nagmamahal sa akin ng totoo at yung pamilyang tinuring ko sa buong buhay ko. Sa totoo pa nga niyan, kahit hindi ko sila kadugo they  are more worthy to be called my family. Hindi nila ako pinabayaan at hindi nila ako iniwan. Kaya kahit hindi ko man sila kadugo, walang tutumbas  sa pagmamahal ko sa kanila.

At hindi ko kakayanin kung may isa sa kanila ang mawawala.

Nandito kami ngayon sa bahay. Kasama ko siyempre ang pamilya ko ngayon na sina Nay Wilma, Tay Lino, Fourth at Pip. Sobra ko silang namiss grabe! Parang ilang dekada ko silang hindi nakausap ah. Pero hindi lang sila, kasama ko din si Roxanne at ang susunod na magiging parte ng pamilya namin. Ang asawa ko…

Si April Villamor soon to be Dela Rosa.

Kahit naman Dela Rosa talaga ako, hindi nun maikakaila o maitatanggi na may pusong Bartolome ako kahit na ano pa ang mangyari. Balak ko na ngang magpapalit ng apelyido eh. Ang dami kasing masasakit na alaala ang naaalala ko  sa tuwing nakakabit sa akin ang Dela Rosa.

“Kuya? Dito ka na ulit sa amin? Please, dito ka nalang. Sobra kasi talaga kitang namiss. Ayaw ko nang mawalan ulit ng Kuya eh.” Wika naman ni Pip.

“Wag kang mag-alala. Simula ngayon, hindi ka na mawawalan ulit ng Kuya. At siyempre may bonus pa, nandito na rin si Ate Roxanne mo. Pero gusto mo ba ng isa pang ate?” sabi naman ni Tres.

“Oo naman po!” masayang sambit naman ni Pip.

Ngumiti naman si April at tinignan ko din siya ng nakakaloko. Pinandilatan naman niya ako ng mata at mukhang nawe-weirduhan nanaman siya sa kakulitan ko. Ewan ko ba, pero gustong gusto ko siyang inaasar. Ang cute lang niya.

“Mabuti naman kasi hindi na rin magtatagal at pakakasalan ko na ang Ate April mo. Pagkatapos naming ikasal, magkakaroon ka ng isang Baby Pinsan!” biro ko naman kay Pip pero halatang pinaparinggan ko si April.

Bigla ko namang nakuha ang atensyon niya at pinandilatan niya ako ng mata. Kinurot naman niya yung tagiliran ko at ramdam na ramdam ko yung kirot at sakit ng pagiging bayolente niya. Hindi pa rin talaga nawawala ang pagiging amazona ng asawa ko.

I love it!

“Uhmm… Pip, kumain muna kayo doon. Samahan mo muna si Nay Wilma at Kuya Fourth mo. May sasabihin lang ako dito sa makulit mong Kuya.” Sabi ni April habang may pahiwatig na tingin sa akin.

“Okay po. Bakit Ate? Aawayin mo si Kuya?” tanong naman ni Pip.

“Siyempre hindi. Pagsasabihan ko lang siya kasi sumusobra nanaman ang kakulitan niya. Mas makulit na siya kaysa sayo eh. O siya sige na, inaantay ka na nila Nanay.” Sabi ko naman sa kanya.

Nag-thumbs up naman si Pip at dumiretso na siya sa kusina kung saan nakisalo na siya sa tanghalian nina Tatay Lino at Nanay Weng. Agad ko namang nilapitan si  Tres at pinandilatan siya ng mata.

She's My Queen: The Interchanged DestinyWhere stories live. Discover now