#11: Rising Disasters

55 2 1
                                    

Miss ko ng araw araw mag-update hihi. Di bale, pagkamove up ko po aaraw arawin ko na. Sa baba nalang po ang kadugtong na author’s note… May ilan lang naman akong idaldal haha.

Enjoy Reading!
××××××××××××

|REIJI’S POV|

WHEN I heard someone screaming, I immediately run towards its origin. Kung hindi ako nagkakamali, base sa pinanggalingan ng boses na iyon, nagmula yun sa may terrace. Kung saan ko siya iniwan kanina. Sino naman kaya yung sumigaw na yun? Kakaiba kasi talaga yung sigaw na nilabas niya eh.

Yung sigaw ng mga artista sa isang horror movie. Punong puno ng takot at kilabot. Parang nakakita talaga ng multo eh. Hindi talaga siya mapaliwanag dahil tili siya ng isang babae. Nagawa ko pa tuloy iwanan yung paghahandang ginagawa ko sa back stage.

Nakarating ako sa terrace pero laking pagtataka ko nang makita ang kumpol kumpol na tao ang nakapalibot doon. Hindi lang yun, kitang kita ang pag-aalala at takot sa mga mukha nila.

Pero mas lalo akong kinabahan dahil sa karagdagang nakita ko.

Ang unang pumasok sa isip ko ay ang mga tanong na ito?

Anong nangyari?

Sinong may gawa nito?

Hindi ko maintindihan pero parang hindi totoo itong nakikita ko. Dugo. Sinabayan pa ng iyak at paghagulgol ni April na nakayakap kay Tres. Si Roxanne na takot na takot din habang nakakapit kay Joaquin.

Si Iris. May dugong tumatagas mula sa kanyang tagiliran. Wala siyang malay at parang malamig na bangkay na nakahilata sa sahig ng balkonaheng ito.

Hindi ako nakaimik. Anong nangyari dito? Anong ginawa nila sa Iris ko?

“T-tumawag na kayo ng ambulansya! Tumawag kayo ng pulis!” bulalas ko at agad na nilapitan ang katawan ni Iris.

Nakita ko namang dali daling dinial ni Roxanne ang inutos ko. Literal na tumigil ang pag-ikot ng mundo ko dahil sa taranta, kaba at takot.

“Sinong may gawa sayo nito!? Sinong may gawa nito?!” bulalas ko habang inaakay ang katawan ni Iris.

Pero nun ko lang ding napagtantong hindi lang pala sa tagiliran ang tamang nakuha niya. May dugo ding dumadanak mula sa kanyang uluhan.

Pag may nangyaring hindi maganda kay Iris, sisiguraduhin kong magbabayad ang may gawa nito.

“Iris please. I know you’re strong. I know you will fight. I know you will not leave me now. Hindi pa yun yung huling pag-uusap natin Iris. Hindi pa…” sambit ko habang maingat na inaangat ang katawan niya.

“Sigurado akong nasa paligid pa ang may gawa nito. Hindi pa siya nakakalayo.” Sabi naman ni Tres.

“Mabuti pa, suyurin na natin ang lugar habang hindi pa siya nakakalayo.” Dagdag naman ni Joaquin.

Sabay na umalis sina Joaquin at Tres para subukang hanapin ang salarin. Ako naman, hindi ko maiwasang maiyak dahil kayakap ko nga si Iris. Pero hindi sing init ng dati. Kayakap ko siya kasabay ng pagbalot din ng dugo niya sa palad at katawan ko.

“Bal, lumaban ka please. Please, Iris…” pagiyak din naman ni April.

“Lalaban siya April. Malakas kaya ito at tignan mo oh, may pulso pa siya. Hindi niya tayo iiwan. Nararamdaman ko, hindi niya tayo iiwan.” Dagdag ko pa.

Tumango siya at ngumiti. “Alam ko Rei. Alam ko.” Sambit niya.

Dumating na din ang rescue na hiningi namin. Sinakay siya sa isang ambulansiya at sumunod din kami ni April.

She's My Queen: The Interchanged DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon