#24: The Guessing Game

60 3 0
                                    

The long wait is over... Ito na ang UD ko hihihi.

Enjoy Reading!
××××××××××××

|JAMES’ POV|

HINDI KO maintindihan kung bakit, pero ang gaan gaan sa pakiramdam sa tuwing kasama ko si April. Sobra akong naging masaya at parang totoong totoo ang sayang yun sa pakiramdam ko. Hindi ko man maintindihan pero alam kong mabuti siyang tao. At kung tama ako, naging kami noon ni April. Kaya lang ako ay bilang si Miguel. At sa pagkakaalala ko, ang sabi ni Ate Nat si April ang nagpapatay sa akin.

Pero bakit parang hindi totoo.

Alam kong minahal ko si April. At nung nakasama ko siya, sinasabi talaga ng tibok ng puso ko na mahal na mahal din niya ako. Pero bakit ganun, hindi ko maintindihan.

Iba ang sinasabi ng puso ko sa dinidikta ng isipan ko. Ano ang totoo? Ang ang dapat na paniwalaan ko?

Gusto ko siyang muling makasama. Gusto kong maalala ang katotohanan. Gusto ko ng maalala ang lahat pero hindi ko kaya. Sana naman dumating ang tao na ipapaalala sa akin ang lahat. Kung sino ba talaga ako, ano ang nakaraan ko, ano ang buhay na naiwan ko, ano ang buhay ko, ano ang totoo pero higit sa lahat, gusto kong malaman…

Kung sino ba si April sa buhay ko?

“Wow! You look great today babe. You look the best for your first day of work.” Wika naman ng kakapasok na si Maxene.

“Thank you babe. Kamusta nga pala ang lakad mo nung isang araw? Sino ba ang kinita mo? Tsaka bakit hindi mo naman ako sinama. Mag isa tuloy akong namasyal sa mall at park.” Sabi ko naman sa kanya. Hindi ko kasi gustong  sabihin sa kanya na nagkita kami ni April.

Selosa si Maxene. Possessive talaga siya pagdating sa akin. Nung una pa nga lang, ayaw na talaga niyang pumayag na magtrabaho ako sa Prime Designs. Ayaw daw kasi niyang ipahamak nanaman ako ni April. Buti na nga lang nakumbinsi siya ni Ate Nat. Pero ilang beses din namin siyang kinumbinsi bago siya tuluyang pumayag.

Ramdam ko namang mahal na mahal talaga ako ni Maxene. Base sa kwento ni Ate Nat, nakilala ko daw si Maxene pagkatapos naming maghiwalay ni April. Pero dahil daw sa obsession ni April sa akin, gumawa siya ng maraming paraan para mabawi ako kay Maxene hanggang umabot na nga sa puntong ipinapatay na niya ako.

Mahal ko rin naman si Max eh. Pero iba pa rin talaga sa  pakiramdam kapag si April ang kasama ko. Naalala ko pa nga, ang bilis ng tibok ng puso ko kahapon nung buhat buhat ko si April. Bagay na hindi ko pa nararamdaman kay Maxene.

Bakit ganun ang pakiramdam ko kapag si April na ang nasa tabi ko kahit na alam kong masama siyang tao?

Naguguluhan na talaga ako.

“Babe, I’m just wondering, sana naman hindi ka magalit. Matagal na din kasi tayong ganito. Yung engaged. Pero kasi, naisip ko din na wala naman nang magiging hadlang ngayon. Why not, alam mo na. Bakit hindi pa natin tuparin ang mga pangarap natin?” sabi naman ni Maxene habang niyayakap ako patalikod.

“Maxene, diretsahin mo na ako. Ano ba ang kailangan mo?” sambit ko naman.

“Magpakasal na tayo babe. Total, wala na rin namang magagawa si April. Miguel, pwede na tayong magpakasaya habang buhay. Hindi ka na niya mababawi sa akin kahit kailan.” Sabi pa niya.

Ngumiti naman ako at humawak sa pisngi niya.  Niyakap ko din naman siya ng mahigpit. Ramdam ko kasing gustong gusto na talaga niyang makasal. Kaya lang laging tumututol sa amin si Roxanne. Ayaw ko namang magpakasal hanggat may isa akong kapamilya na kontra sa relasyon namin. Gusto ko kapag ikakasal na ako, lahat susuporta sa aming  dalawa.

She's My Queen: The Interchanged Destinyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن