#20: Brainwashed

64 5 0
                                    

Enjoy Reading!
××××××××××××

|NATALIA’S POV|

TRES DIDN’T die. He survived. Hindi naman talaga ganun ang orihinal naming plano. Hindi naman talaga dapat si Tres ang mapapahamak. Actually si Tres ang sumira ng plano. A part of me contributed to that failure. Dapat dadakipin namin si Tres nung time na hinahanap nila si Roxanne. Ang pagkakamali ko lang, masyadong naging matagal ang pag-uusap namin ni Roxanne at hindi ko siya nakuha bago siya sumakay sa sasakyan ni April.

Pero hindi lang ako at si Tres ang may kinalaman sa kapalpakang ito. Someone sabotaged our plan. Paano nalaman ni Tres na may bomba sa ilalim ng sasakyan ni April? Isa lang naman ang pwede kong paghinalaan.

Yung taong kasama namin na nasa kampo ng mga Villamor.

Dahil sa kanila, sira ang plano. Imbes na si April ang mamamatay, si Tres ang napahamak. Luckily, he didn’t die. Masyado kasi siyang nagpapakabayani. He is risking his life for someone not even worth dying for.

“Ngayon, sabihin niyo sa akin na hindi mabubunyag ang sikreto natin dahil sa pangungunsinti niyo kay Tres.” Sumbat ko kay Roxanne at kay Mom. “Masyado kasi kayong padalos dalos. Kaya kayo pare-parehong napapahamak kasi hindi niyo iniisip ng mabuti ang mga aksiyon ninyo.” Dagdag ko pa.

“Anak kumalma ka. Hindi mabibisto ang tunay na nangyari kay Tres. It will remain as a secret okay. Isa pa, I’m sure na hindi hahayaan ni Maxene na malaman ng mga Bartolome o ni April na buhay si Tres. Don’t be such a paranoid my daughter.” Sabi naman ni Mom.

Umirap lang naman ako at pinagpatuloy ko ang paghahawak sa dulo ng buhok ko. “I know Maxene won’t let that happen. But I know someone who can make it happen.” Sabi ko sabay tingin ng matalim kay Roxanne.

Alam kong kahit nasa puder namin si Roxanne, kikilos at kikilos siya pailalim. Lalo pa’t hindi niya nagugustuhan ang lahat ng nangyayari dito. Roxanne may have a very strong personality but deep inside lies a soft spot – her heart.

“Sinasabi mo ba na tatraydurin kita Natalia? Kung sabagay may point ka, anumang oras pwede kong kontakin si April at pwede kong sabihin sa kanya ang lahat lahat! Hindi ako takot sayo Natalia. Sa oras na hindi na ako makapagtimpi, wala nang pipigil sakin!” sabi niya habang pinandidilatan ako ng mata.

“Then try! I dare you Roxanne! Why don’t you give it a try nang matikman mo ang consequence na ibibigay ko sayo. Who do you think am I? Takot sayo---”

“You better be afraid of me Natalia. Sa isang pitik ko lang pwede kong palabasin ang totoo. Kaya sige, sagarin mo ang pasensya ko, makikita mo ang ahas na pinatuloy mo sa sarili mong bakuran!” Bulalas niya sakin sabay akong tinalikuran.

Roxanne may be a mistake nang patuluyin ko siya dito, but still Roxanne is a bait. Lalo na sa puso ni Joaquin Tejada na malapit sa mga Villamor. Who knows, baka si Roxanne pa ang magiging susi sa pintuan ng yaman ng mga Villamor.

Makalipas pa ang ilang minuto, dumating na din ang dahilan kung bakit ako naiistress ng bonggang bongga ngayon. Three hours silang gumagala sa labas and I must say, that is not a wonderful thing to do right now.

“What do you think you’re doing! Miguel, are you out of your mind!? Paano kung nakita ka ng mga Villamor? Paano kung ipapatay ka nila ulit? So you think, makakaligtas ka pa. Hindi ka na nadala---”

“Shut up. What’s wrong kung makatikim naman ako ng fresh air mula sa labas? I’m sick of this place. I’m sick of this bullshit! Ate Nat, can’t you see my situation, mas masahol pa ako sa isang tunay na preso. And I’m just tired of it!” bulalas niya.

She's My Queen: The Interchanged DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon