#8: Night Watch

70 2 0
                                    

Enjoy Reading!
××××××××××××

|APRIL’S POV|

BAKAS KO pa rin sa mukha ni Achi ang iritasyon na dinulot sa kanya ni Joaquin at Tres. I know him well. Hindi naman kasi mahirap basahin ang mga actions at facial expressions niya. Sa halos ilang araw pa lang naming magkakilala at magkatrabaho, it’s really hard and challenging to befriend Achilles Fernandez. He is not that typical kind of guy na madaling biruin, asarin at pagtripan.

Although, our age gap is not that far, he is really different from all of us. And I think I know the reason. He is a child full of responsibilities. Yes he is a child but he must act like a grumpy old troll.

Why? Simple lang ang sagot diyan

If you want to receive respect, make yourself respectable. Sa murang edad ni Achi na nakikisalamuha siya sa mga matatandang business partners ng kumpanya nila, he must act as if he is one of them. Na-gets niyo ba? Kailangan magmukha siyang respetado, kapita-pitagan at kagalang-galang. He must prove to others that inspite of his age, he can still do what the old ones can do. Na hindi hindrance ang pagiging bata niya para patunayan ang capabilities niya.

Na kaya niyang palaguin ang kumpanyang iniwan ng mga magulang niya sa kanya.

And I am dreaming that I can be as tough like him. Kapag pinasa na sa akin ang pagpapatakbo ng aming kumpanya, sana kagaya niya, hindi ko mabigo ang maraming umaasa sa pwede kong maipakita.

“Why are you smiling like that? Nakikitawa ka din ba sa kasiyahan nilang dalawa doon? At kagaya ba nila, pinagtatawanan mo din ako?” kalmadong tinanong niya sa akin.

Dahil sa pag-iisip ko, na-carried away talaga ako. I never realized that I was smiling in front of him. “W-wala. I’m just inspired.” Sagot ko.

“Pss. Why are you inspired? Is it because of your fiancée? You’re lucky with him. He is so overprotective.” Sagot niya sa akin.

Lumawak naman ang ngiti ko at napatingin ako sa direksiyon kung nasaan si Tres. Kasalukuyan siyang nakikpagbiruan ngayon kay Joaquin. I became happy. Given that Tres always makes me feel happy but aside from that, natutuwa ako sa kanila.

They are once the mortal enemy of each other pero ngayon, they are the best of friends.

“Totoong siya ang nag-iinspire sa akin sa araw araw. Pero sa ibang konteksto, you’re inspiring me as well.” Sincere kong sinabi sa kanya.

Nandito nga pala kami ngayon sa aming garden. Ito lang kasi ang pinakatahimik na lugar na alam ko. Maliwanag ang kalangitan. Napakaraming bituin at napakaliwanag ng buwan.

Muli akong napangiti cause I suddenly remembered something. Pero ang weird dahil hindi si Tres ang kasam ko ngayon habang naaalala ko yun.

Kundi si Achi…

Nabalik sa realidad ang isipan ko nang makita ko ang pangungunot ng kanyang noo. “Are you out of your mind? Ni hindi nga tayo masyadong magkakilala.” Sabi naman niya sa akin.

Sinabihan ko na nga siyang naiinspire niya ako, as return sinungitan pa talaga ako. Now tell me, what’s with you Achi? Why you’re so forever sungit?

“Ikaw ang sungit mo talaga. Bakit maiinspire mo lang ba ang isang tao once na kilala mo na siya ng lubos? I guess not Mr. Fernandez.” Sambit ko sa kanya.

“You’re wrong Ms. Villamor and I am right. You don’t know me yet. Maybe, naiinspire kita kasi alam kong magiging kagaya mo ako. But you know what April, ang nakikita mong Achi ngayon ay wala pa sa kalahati ng pagkatao ko.” Sagot niya sa akin.

She's My Queen: The Interchanged DestinyWhere stories live. Discover now