#1: Preparations

339 4 1
                                    

Omoo! Ang tagal kong inantay ito haha. Finally! Magsisimula na din ako sa panibagong roller coaster ride. May mabubuksan nanamang chapter.
Please fasten your seatbelts dreamers before taking on an another adventure.

We cannot expect what will happen next… ^_^

Enjoy Reading!
××××××××××××××

|TRES' POV|

3 Months Later…

MAAGA AKONG abala dahil napakaespesyal ng mangyayari bukas. Hindi ordinaryo para sa isang kagaya ko ang lahat ng mangyayari. Tatlong buwan na din ang nakakalipas simula nang maging more than boyfriend and girlfriend kami ni April. Akalain mo yun, parang kailan lang nangyari ang lahat. Parang 2 months nga lang eh. Hmm.. pero hindi na importante yun ngayon. Ang mahalaga, fiancée ko na ngayon si April. Ikakasal na kami.

As of now, ganun muna talaga kami. Nag-iipon pa din kasi ako para sa Civil Engineering Board Exams. Tutuparin ko ang pangako ko sa kanya. Na magpapakasal lang kami, kapag mabibigyan ko na siya ng buhay na parang isang reyna. She’s My Queen. Masaya naman kami ngayon. Alam kong hindi din naman maiiwasan sa isang relasyon ang mga tampuhan. Wala namang relasyon ang perpekto.  Pero at the end of the day, lagi naman kaming nagkakaayos.

That’s our promise to each other.

“Bespren! Ano na ba? Ano na bang balak mo?” bulyaw naman sa akin ni Iris.

“Iris, wag ka na ngang mataranta diyan. Hindi ka nakakatulong. Ako na ang bahala sa lahat. I will make her day the most special lalo na’t tayo nalang ang mga meron siya. Bigyan natin siya ng celebration na hindi niya makakalimutan. Kaya ba natin yun?” Hamon naman ko naman sa kanila.

“Basic! Very beyzic!” sabi naman ni Reiji.

Aysus! Nagsalita nanaman ang Hapon. Ang dali dali para sa kanyang sabihing basic. Pero ano ang ginagawa niya? Nakaupo lang siya at nanonood sa mga ginagawa namin. Siya na talaga ang kilala kong pinaka-infected sa sakit na Tamaditis. Alam na alam niya yun. Sa kanya ata galing ang virus na yun eh.

“Nagsalita ka nanaman! Wala ka namang tinutulong! Umalis ka na nga dito!” pagtataboy naman sa kanya ni Roxanne.

“Grabe ka ah! Ang dami ko kayang tinutulong.” Sabi niya.

“Oo nga! Marami kang tinutulong pero kay Iris lang! Like duh? Nandito din kaya kami. Kailangan din naming manpower boy.” Sumbat naman ni Roxanne sa kanya.

Tinignan ko si Iris pero umiiling iling lang siya. Tama naman ang kapatid ko. Si Iris lang ang tinutulungan niya. Siya nga pala, magkasama na kami ni Roxanne sa bahay. Bumabawi na ang Kuya niya sa kanya. Ayaw naman niyang tumira kay Tita Serina niya dahil makikita lang daw niya dun si Mama.

Mas gusto niyang isipin na patay nalang talaga si Mama.

“Teka nga. Bakit nandito pala tayong lahat? Sinong nagbabantay kay April. Baka naman mamaya malaman niyang gumagawa tayong surprise dito.” Sabi ko sa kanila.

“Kasama niya si Shell. Iniwan ko muna sila doon total matagal na din silang hindi nagkakausap. Sinolo na natin si April.” Sabi naman ni Joaquin.

“O sige na. Pupuntahan ko siya. Kayo na muna ang bahala dito. I-ready niyo na yung mga sleeping bags tapos balloons. Tutulong ako mamaya.” Sabi ko naman sa kanila.

Bago ako tuluyang umalis, isa isa ko munang tinignan ang mga litrato niyang nakasabit sa paligid. May mga nakangiti, wacky, stolen, fierce at kung ano ano pang anggulo. Pero kahit saang parte siguro ng mukha niya, mo siya tignan, maganda pa rin siya. She will always look cute and beautiful in my eyes.

She's My Queen: The Interchanged DestinyWhere stories live. Discover now