#9: Leaps And Bounds

60 2 0
                                    

Enjoy Reading!
×××××××××××××

|TRES’ POV|

NANG MASIGURO kong nakatulog na ng mahimbing si April. Agad kong kinuha ang cellphone ko para muling kausapin ang nag-iisang taong alam kong may kinalaman sa silhouette na yun. Dapat nung una palang hindi na ako naniwala sa kanya. Wala naman siyang sinasabing totoo after all. Lahat nang lumalabas sa bunganga niya ay purong kasinungalingan at ginagawa lang niya yun para paniwalain ako. Kahit ang totoo, she didn’t mean a thing.

Tinatakot niya si April. Akala ba niya si April lang ang kaya niyang takutin, pwes pag gumanti ako sigurado akong takot lang ang mararamdaman niya. Desperada na siya. Pwersahan na ang ginagawa niyang paraan para makuha ako.

Kahit papaano, alam kong may advantage pa din naman ako sa kanya. Alam ko ang kahinaan niya. Si Nimbus na pinakamamahal niyang anak ang lakas at kahinaan niya sa labang ito. Pero ako, hindi niya alam ang kahinaan ko.

Pwera nalang kung ipapakita kong natatakot ako kapag natatakot si April. Sa paraang iyon, malalaman niya ang kahinaan ko. Ang nag-iisang taong kahinaan ko.

Si April.

Ewan ko nalang talaga kapag napahamak pa siya dahil sa kagagawan ng Rhian na yun. Hindi talaga ako magdadalawang isip na isunod siya sa anak niya sa bilangguan.

“Sumagot ka. Sumagot ka please.” Sabi ko sa sarili ko habang dinadial ang telepono niya.

Natuwa naman ako nang makalipas ang tatlong ring, sumagot din siya sa wakas.

“Yes Miguel? Ano ang dahilan at napatawag ka sa gitna ng gabi?” panimulang bati niya sa akin.

Hindi nanaman siya natuto. Ilang ulit ko nang sinasabi sa kanya na hindi Miguel kundi Tres ang pangalan ko. “Kailan ka ba tutupad sa usapan? Akala ko ba klaro na ang lahat?!” May diin kong sabi sa kanya.

“Miguel, ano ba ang sinasabi mo? Tinigil ko na ang pananakot sa fiancée mo. Anak, maniwala ka, tumutupad na ako sa kasunduan natin.” Sagot niya sa akin.

And she even still had the guts to lie! Ano ba ang tingin niya sa akin! Hindi ako tanga para paniwalaan ang mga nonsense alibis niya. Hindi ako naïve para magpakabulag sa mga panloloko niya.

“Pwede ba Rhian? Kanina may anino ng tao na nagmamasid sa paligid ng bahay nina April. Anong explanation mo for that? Baka mas tamang sabihin na, ano ang excuse mo para doon?” bulyaw ko naman sa kanya.

“Anak, promise. Wala akong ginagawa. Kung sino man yun, hindi pa rin tama na kami lang ang pagbintangan mo. Maraming kalaban ang mga Villamor, hindi kaya isa din sa kanila ang gustong pumatay kay April?” sabi naman ni Rhian.

Natigilan naman ako sa sinabi ni Rhian. Kung sabagay may punto naman ang sinabi niya. Bago pa makulong si Sir Anton, marami na siyang nakakaaway.

Nakadagdag pa siguro ang kaisipang mamanahin na ni April ang lahat ng yaman ng pamilya niya kaya marami ding pwedeng dahilan na agawin ito ng kahit sino sa kanya.

Tama si Rhian. Kahit sino pwedeng magkaroon ng masamang motibo kay April.

“Basta siguraduhin mong wala kang kinalaman sa mga nangyayaring ito. Hanggat alam kong totoo ang sinasabi mo, paniniwalaan kita.” Sabi ko sa kanya.

“Maraming salamat anak. Maniwala ka sa akin. Hindi ko kakantihin ang fiancée mo.” Sabi niya sa akin.

“Sige na. Gabi na rin at magpapahinga na ako.”  Pagpapaalam ko sa kanya

Magsasalita pa sana siya kaya lang pinatayan ko na siya ng linya. Alam ko naman kung ano ang sasabihin niya. Mag I-I love you nanaman siya at good night pero mas magandang hindi ko nalang marinig yun.

She's My Queen: The Interchanged DestinyWhere stories live. Discover now