#32: Try Again

83 6 0
                                    

Enjoy Reading!
××××××××××××

|APRIL’S POV|

NO WORDS can ever explain what I am feeling right now. Sobra sobra lang talaga ang kasiyahang nararamdaman ko matapos kong malaman ang lahat lahat. Buhay si Tres at sa wakas, naaalala na niya ang lahat. Alam ko na sa sarili kong hindi ako nag-iisa. May kakampi pa ako sa laban kong ito. Sobrang  saya kasi talaga sa pakiramdam na alam kong hindi pa dito nagtatapos ang masayang kwento namin. Muntik na akong mawalan ng tiwala. Muntik na akong sumuko.

Pero mabuti nalang at hindi ako tumigil. Lumaban ako at nanatili akong naniniwala.

Siguro ganun talaga kalakas ang kapangyarihan ng pag-ibig. It will keep you from believing kahit dinidikta na ng lahat na tama na. It’s all over. Game over. It made me stronger than I thought. It made me better and that is all because of love.

Love destroyed me. But love built me. Akala ko hindi na ako muling mabubuo. Pero mali ang lahat ng akala ko dahil muli akong nabuo. Nabuo by the same thing and by the same person. By love and by Tres.

Kaya salamat at naniwala ako. Salamat at hindi ako tumigil sa pag-asa ko. Salamat at hindi ako sumuko.

“Aba Bessy! Parang nung isang araw pang-Biyernes Santo ang mukha mo pero ngayon ibang iba na ang aura mo! So what’s the catch?” sabi naman ni Shell. Madalas din kasi ang pagdalaw sa akin ni Shell dito sa bahay ko. Gabi gabi na nga din ata siyang nandito eh.

“Sobrang saya ko lang kasi talaga Shell. Hindi ko talaga mapaliwanag ang sobrang kaligayahan ko. After all these time, buhay si Tres. Hindi niya ako iniwan.” Sabi ko naman sa kanya.

“Mas masaya ako para sayo Bessy. Dahil sayo, naniwala ako na kahit anong daming pagsubok ang dumaan, just keep the faith. There is always a rainbow after a storm. May pag-asa sa bawat pagbagsak. At ngayon, matatapos na ang lahat ng kaguluhang ito. After all these debacles, wala ng pipigil sa happy ending ninyo.” Wika naman ni Shell sa akin.

Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya at binigyan ko siya ng aking napakatamis na ngiti. Walang pagdadalawang isip naman akong sinuklian ni Shell ng kanyang ngiti. Sana nga pagkatapos ng lahat ng ito, magiging maayos na ang lahat.

Sinabi ni Tres na siya na muna ang bahala kung paano namin pababagsakin ang mga Dela Rosa. Kukuha daw siya ng maraming ebidensya laban sa kanila. Si Roxanne din naman ay tutulong kay Tres para makahanap ng ebidensya laban kanila Natalia at Rhian. Nangako naman sila na mag-iingat sila habang nasa lungga sila ng mga kalaban.

At may tiwala ako sa kanila.

“O siya, basta ba kapag kasal niyo na ako ang maid of honor ah. Sobrang saya ko para sayo Bessy! Naisip ko tuloy, ako kaya? Magkakaroon din kaya ako ng mala-fairy tale na love story kagaya ng sa inyo ni Tres?” tanong naman ni Shell.

“Bawat tao ay may nakatadhanang kapareho. Kabiyak. Kailangan lang nating mag-antay sa pagdating nito. ‘Di bale nang matagal,  basta worth the wait.” Sabi ko naman nang nakangiti.

“Tama ka Bessy. O sige. Good Night na! Mwah mwah.” Wika naman sa akin ni Shell kaya ganun na din ang tinugon ko sa kanya.

Nagsimula naman na akong mag-ayos para sa aking pagtulog. Sobrang dami din ng nangyari ngayong araw. I deserve a nice sleep and warm rest. Pero bago yan, may kailangan muna akong gawin para masigurong magiging mahimbing ang pagtulog ko.

Kukunin ko pa lang sana yung telepono ko pero nauna na siyang tumawag sa akin.

“Good evening My Queen. Tulog ka na ba? Pasensya na ah, ngayon lang ako nakatawag. Inantay ko kasing makatulog muna ang lahat para walang makarinig sa atin.” Wika naman niya sa kabilang linya.

She's My Queen: The Interchanged DestinyWhere stories live. Discover now