#27: Lost

68 4 4
                                    

Enjoy Reading!
×××××××××××××

|APRIL’S POV|

Earlier that day…

MAGKASAMA KAMI ngayon ni James sa iisang bangka papunta sa islang pag-gaganapan ng kaarawan ni Maxene. Ngayon ko lang din nalaman kay James na tatlong araw pala gaganapin ang birthday niyang ito. Mabuti nalang at marami akong naidalang damit kaya hindi naman siguro ako magkakaproblema nito. Nalaman ko din kani-kanina lang na dumating pala si Angela sa bahay nila Achi kaya hindi na niya ito natanggihan. Siyempre kapatid niya yun at sino ba naman ako para maki-echeos pa diba.

Pero mabuti nalang at nagkita kami nitong si James. Akala ko mag-isa nalang akong pupunta ng isla. May takot pa naman ako sa pagsakay sakay ng mga bangkang kagaya nito. Atleast kahit papaano, hindi ako pinabayaan ni Lord at isinama niya si James sa journey kong ito.

“April?” pagpukaw naman ni James sa atensyon ko. Sarap din kasing mag day dreaming pag minsan lalo na kapag maganda ang scenery sa paligid mo.

“Bakit?” tanong ko naman sa kanya.

“Anong isda ang nakatira sa isang opisina?” tanong naman niya.

Wait… pick-up line nanaman ba yan? Naku, naku. Mapa-James o mapa-Tres walang pinagbago. Mahilig bumato ng mga pick-up lines pero sigurado naman akong corny at waley yang mga jokes nila. Magtitirik nanaman ako ng kandila para sa joke nanamang mamamatay.

“Uhmm… ano naman?” sambit ko.

“Eh di… o-fish!” masayang tugon naman niya sabay hagalpak nang malakas sa tawa. Bakit siya natatawa? Ano yun? Self-support sa joke kasi alam niyang waley kaya siya nalang ang tatawa.

Huminto naman siya at pekeng umubo nang ma-realize niyang hindi ako natatawa sa joke niya. “*Ehem* Piling ko wala talaga akong talento sa pagpapatawa.” Sabi naman siya sabay busangot ng mukha.

Ang cute cute talaga niya kapag nakabusangot siya. Para siyang batang hindi binilhan ng laruan ng nanay niya. Dahil naman sa itsura niya, napatawa nalang ako nang hindi ko imaasahan. I never knew I would be this happy kapag kasama ko siya.

“Oh bakit ka natatawa ngayon? What’s so funny?” kunot noo naman niyang tinanong sa akin. Ayan na, nagiging masungit na siya.

“Hahaha! Ganyan kasi yang itsura mo! Hahaha!” sabi ko naman na nahahaluan pa ng masaganang pagtawa ko.

“Huh? What’s wrong with my face?” Nagtatakang tanong naman niya.

Lumapit naman ako sa kanya at kinurot ko yung pisngi niya.

Ayan oh… ang cute cute mo kasi.” Sabi ko habang patuloy pa din ako sa pagkurot kurot sa pisngi niya.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa ginawa ko sa kanya at nahalata ko naman ang pagkabigla niya sa ginawa ko. Ang sarap lang sa feeling na magiging ganito ako ka ka-komportable sa taong hindi ko inaasahang makilala.

“Kung cute ako… eh di mas cute ka.” Wika naman niya sa akin. Sa ngayon, siya naman ang kumukurot-kurot sa pisngi ko.

“Aray! Aray! Huy! Bumitaw ka nga! Ang sakit mong kumurot baka mapilas na yang pisngi ko sa ginagawa mo!” reklamo ko naman.

“*Ehem* Wag na po kayong mag-away. Ang cute niyo pong tignan na dalawa. Bagay na bagay kayo sa isa’t isa.” Pagsali naman ng mamang bangkero sa harutan  at kulitan naming dalawa.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni James at bahagya kaming natigilan. Kung sana nga ganun lang kadali ang sitwasyon, magiging bagay talaga kami sa isa’t isa. Pero hindi eh, sobrang komplikado ng sitwasyon naming dalawa. Ayaw kong ma-inlove sa kanya dahil sa kamukha niya si Tres. Ayaw kong mapamahal sa kanya dahil nakikita ko sa kanya ang mahal ko.

She's My Queen: The Interchanged DestinyWhere stories live. Discover now