#30: Engagement Ring

70 5 8
                                    

Enjoy Reading!
×××××××××××××

|APRIL’S POV|

NAGISING NAMAN ako nang wala si James sa tabi ko. Parang kagabi lang sobrang dami ng nangyari sa aming dalawa. Sobrang saya tapos bigla magiging komplikado. Tapos weird siya kung kumilos. Minsan hindi maintindihan. Pero kahit ganun pa man kadami ang komplikasyon, wala pa ring tatalo  sa mga happy memories na napagsasaluhan namin. Honestly, ayaw ko ng umalis dito. Kasi alam ko, pagkatapos ng araw na ito babalik na ang lahat sa dati.

Gusto ko dito. Kasi dito, masaya ako, masaya siya at totoo kami sa mga nararamdaman namin para sa isa’t isa.

Kahit walang linaw, kahit hindi gaanong klaro. But the fact na hindi namin lubusang kilala ang isa’t isa at nakatagal kami dito na may tiwala sa isa’t isa, we know we can make a change. We can be better when we are together.

“April! Yohooo! Uy! April!” sigaw naman ni James sa may mababaw na parte ng karagatan. May huli siyang isda sa kamay niya at masayang masaya siya habang nagtatatalon talon pa.

“Uy James! Huminahon ka nga diyan. Tigilan mo yang kakatalon talon mo diyan at baka mapahamak ka pa. Mamaya matumba ka nanaman diyan tapos tumama ka nanaman sa bato!” suway ko naman sa kanya.

“Okay lang ako!” sigaw pa niya.

Looks like somebody just woke up at the right side of the bed. Bakit mukhang napaka-hyper nitong si James ngayon. Sobra ata talagang naapektuhan yang utak niya sa pagkakatumba niya kahapon. Mas lalo tuloy siyang nagiging weird sa mga kinikilos niya.

And not to notice ah, binabalandra nanaman niya yang katawan niya. Ginamit nanaman niyang fish net yang suot suot niya. Hays bahala nga siya sa buhay niya! Trip niyang mag sun bathing kaya walang pipigil sa kanya. Walang basagan ng trip!

Makalipas pa ang ilang minuto, dali dali naman siyang nagtatatakbo palapit sa akin dala dala ang dalawang huli niyang isda.

“Oh bakit ngiting ngiti ka nanaman? Alam mo, habang tumatagal mas lalo kang nagiging weird. Anong gamot ba ang tinitira mo?” mapang-asar ko namang tinanong sa kanya.

“Grabe ka naman. Gamot agad?! Kung sabagay may nakakaadik na gamot nga naman akong tinitira kaya madalas akong nakangiti nang ganito.” Sabi naman niya habang abot tainga nanaman ang ngiti niya.

Hala siya. So nag aadik nga talaga siya?! “Huy! Umayos ka nga. Napaka-creepy mo talaga.” Sita ko naman sa kanya.

Pero imbes na magseryoso, as usual, tinawanan nanaman ako ng praning. Hays! Minsan napapaisip ako kung si Tres nga ba talaga ang lalaking ito. Paano ba naman kasi, nakakabother na rin yang kakulitan at pagiging isip bata niya.

“Seryoso nga ako. Gusto mo bang malaman kung ano ang gamot na iniinom ko these past few days?” tanong naman niya.

“Ano naman?” curious ko namang tinanong sa kanya.

“Eh di ikaw. Ikaw kaya ang daily dose ko kaya ganito ako kasaya palagi.” Sabi niya with his charming kindat pa.

Inirapan ko nalang siya at nagsimula na akong magpaapoy ng baga. Hala, hanggang kailan kaya kami tatagal dito. Paubos na itong posporo na dala dala ni James. Hindi na kami makakapag-ihaw. Magiging vegetarian na talaga kami niyan.

“Aysusss… iniiwasan ni April ang mga biro ko. Paano ba naman kasi kinikilig siya at ayaw niyang ipahalata yun. So are you really flattered my queen?” sabi niya habang tinataas baba pa ang magkabilang kilay niya at nakakagat labi pa.

Nanliit naman ang mga mata ko sa kanya at nandidiri pa siyang tinignan. “Anong tawag mo sakin? Queen? Huy James! Tigil tigilan mo nga ako diyan sa kalokohan mo. In my entire life, isang tao lang ang pwedeng tumawag sa akin nun. At hindi ikaw yun.” Mataray ko namang sabi sa kanya

She's My Queen: The Interchanged DestinyWhere stories live. Discover now