Chapter 43

19.6K 511 68
                                    

Biglang umayos ung dalawang bodyguards pati si Gem dahil sa pagdating ni Mrs. Mendez. Naglakad siya papalapit samin at talaga namang napakaelegante niyang kumilos. Nakasuot siya ng kulay asul at spaghetti strap na dress hanggang ibaba ng tuhod. May perlas ng kwintas at hikaw. Hindi rin gaanong makapal ang make-up niya hindi gaya ng pekeng Gem na ang kapal ng eye shadow pati narin ng pulang lipstick.

"Knight!" sigaw ni Mrs. Mendez ng makitang hindi pa kumakalma si Knight. Nakatayo parin ang mga balahibo nito sa likod at nakalabas ang mga pangil. Tinawag ulit niya si Knight. Napaharap si Knight sa kanya at unti unting kumalma. Naging maamo utliito gaya kanina.

Parang nagkakaintindihan sila dahil bahagyang umiyak pa si Knight lumapit kay Doggie. Kinagat niya ito sa leeg at binitbit palabas. San niya kaya ito dadalhin?

"We'll return the pup later. Ngayon lang kasi siya nakakita ng kalaro." Nangiting sabi niya.

Tahimik parin si Ger hanggang ngayon. Nakaharap siya sa kanyang ina pero nakayuko. Ramdam kong kinakabahan parin siya pero hind niya pinapahalata. Ngayon pa na nakatingin si Mrs. Mendez sa kanya at sinusuri siya. Talagang nakakakaba 'yon.

"You must be HD's group." Tinanggal niya ang paningin kay Ger at tinignan kami isa isa. Hindi nawala ang ngiti niya at mukha naman siyang mabait pero mararamdaman mo parin kung ano ang posisyon niya. May pagkakahawig sila ni Ger pero hindi ganon kalaki. Mukang kay Mr. Mendez hawig si Ger.

Tumango ako at nginitian siya at lumapit naman sa'min sina Bryan, Marcus at Kael. "Kamusta po. I'm Kael. This is Bryan, Marcus, Icko at Ger." Pagpapakilala ni Kael sa'min isa isa. Tinignan niya ulit kami at tumigil na naman ang paningin niya Kay Ger.

"What happened to your face?" tanong niya kay Ger na nanatiling tahimik.

"Maybe the usual, Mom. Nerd got bullied and stuff." Biglang singit ni Gem.

"And who might that bully be?" binigyan niya ng seryosong tingin si Gem na ikinatahimik niya. Tinignan niya rin ung dalawang bodyguards ni Gem na biglang yumuko dahil sa mapagbantang tingin na natanggap. "Do you need some meds for that." Malumanay na sabi niya habang tinuturo ang mukha ni Ger, Hindi naman sumagot si Ger.. Ngumiti ang umiling lang.

"A nerd and a mute. How nice." Bulong ni Gem pero narinig parin siya. Hindi niya nilulugar ang ugali niya at mukang umpisa palang ng pagkikita nila ni Ger ay mainit na ang dugo niya kay Ger. Umismid siya ng nakita niya kong napakunot ang noo ko kanya.

"Gem!" pagbabanta na suway ni Mrs. Mendez. "I apologize for her behavior. I don't even know my own child anymore." Mapagbiro niyang sabi pero alam kong may laman yon. Kitang kita namang nadismaya si Gem sa komento niya at napatahimik. Napangiti ako hindi dahil sa biro ni Mrs. Mendez kung hindi dahil sa mukang natamaan ang mapagpanggap na tao. "Are you sure, Ger?"

"Hindi na po kailangan 'yan ni Ger." Sumingit na ko at pumagitna sa kanila. "Malakas po si Ger." Napataas ang kilay niya na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"Totoo po 'yon. Ger's one of your best not just in fighting but also in tactics and research." Segunda ni Marcus nang nakangiti. Napatango naman si Mrs. Mendez at ngumiti. Kung ganon ganito pala ang ugali ng ina ni Ger. Napaka-caring at mabait. Naaalala ko tuloy si nanay.

Bigla namang may tumawag kay Mrs. Mendez kaya napalingon siya. "Naghihintay na'po sila Sir."

"Lunch's serve. Let's go." Nauna siyang lumabas at sinundan ni Gem kasunod ang mga bodyguards niya pero hindi niya nakalimutang irapan kami bago sumunod. Hindi maganda ang ugali niya.

Nang makalabas si Mr.s Mendez ay napabuntong hininga si Ger na para bang natanggalan ng mabigat na dinadala. Natawa ako sa aksyon niya pero hindi pa tapos ang araw. Lumapit ako at inakbayan siya. "May tatay pa na naghihintay sa hapagkainan." Pang-aasar ko at napakamot nalang siya ng ulo.

The Hidden GemWhere stories live. Discover now