Chapter 32

21.4K 721 60
                                    



For three days I was stuck here in my room and it's killing me. Tulog, kain, nood ng TV, ligo tapos tulog ulit. I had nothing else to do in this four walls at konti nalang mukhang mababaliw na ko. Ibang iba ito kesa noong si Gem pa'ko. At least sa amin, pwede akong gumala sa loob ng mansion. Nakakapag basa rin ako ng mga libro at maraming musical instruments ang pwedeng gamitin don pero dito, tanging TV lang ang meron.

Kakatapos ko lang maligo at nanood ako ng movie. Ito nalang ang mapagkaka abalahan dito. Mabuti na nga lang at hindi nilagyan ni HD ng mga camera ung banyo ko ang masama nga lang, nakasuot ako ng brief ngayon.

I didn't want to wear men's undergarments but I didn't have a choice. Nasa kwarto ni Yka lahat ng gamit kong pambabae. Props lang naman sila dito sa kwarto ko at hindi ko inaasahan na magagamit ko sila. Tinanggal din nila ung mga locks ko sa pinto at nagmukha na talaga akong preso dahil itong bagong pintuan ko ay sa labas lang pwedeng buksan. Binubuksan lang nila kapag dinadalhan nila ko ng pagkain.

I haven't spoken to anyone since then not even to HD. I didn't care what he's doing regarding my situation 'cause I was sure he wouldn't find anything about Gem. Parang kabuteng biglang tumubo si Ger. Walang malinaw na pinanggalingan. I bet he's questioning Icko because he was the only connection they have to Ger's existence. Goodluck nalang sa kanila dahil kahit si Icko walang alam. It's only a matter of time before HD went here to ask me.

"Bakit mo inuuntog ang ulo mo? Are you starting to get crazy?" Ahh! The person I expected to come. It took him three days to finally realized that he's getting nowhere with his investigation.

Napahinto ako sa pag-untog ng ulo ko sa dingding. Mahina lang naman kaya hindi masakit pero sapat na para makalikha ng ingay. Nakaupo rin ako sa sahig sa kanang gilid ng kama. The left side of the bed was facing the door that's why I was slightly hidden. Ulo lang ang kita sa'kin.

Nakita kong dumaan si Icko tumingin sa'kin. Nginitian ko siya ng pilit. I didn't need his sympathy. I needed his help. Sana nga lang matanggap niya ung mensahe ko. Napakunot naman ang noo kong tumingin kay HD dahil sa inis. Bigla niya kasing sinarado ung pinto. Manners!

"Bo-hor-dom." Mabagal kong salita sabay balik ang tingin sa TV because I'm really bored right now.

Nilipat lipat ko ang channel. Iniiwasan kong tumingin sa kanya. Umaakto akong parang bata pero ano naman. Naiinis parin kasi ako sa kanya.

"Give me your phone!"

"Don't have it." I said still refusing to look at him.

"Magsisinungaling ka na naman ba! Ibigay mo sakin." Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ba marunong magpigil ng galit at inis ang lalaking to? Wala pa nga akong ginagawa naasar na siya. Ugh!

"Naiwan ko noong nagmamadali akong tumakas sa sumusunod sakin." Naiwan ko naman talaga. Kay Yka nga lang. Hindi pwedeng makuha 'yon ni HD dahil gagamitin ko 'yon para kontakin sina Daddy.

Narinig ko siyang naglalakad palapit sa'kin. Mabilis pa sa kuneho ang pagdating niya sa harapan ko. I looked up to meet his eyes dahil nakaupo parin ako sa sahig.

"Tumayo ka dyan. Get your phone and hand it over." He firmly said.

Tumayo ako para pantayan siya pero umabot lang ako sa leeg niya.

"I'm telling the truth at kung gusto mong halughugin ang buong kwartong 'to gawin mo." I said with boredom while looking at him. Naiilang ako sa mga tingin niya kaya ako na ang unang umiwas. Nilagpasan ko siya at humiga sa kama. "Can you tell the cook that I want something with broccoli and carrots for lunch. Thanks!" I said while changing channels again.

Ramdam kong hindi nawawala ang tingin niya sakin while I refuse to still look at him. Maya maya'y dumaan siya sa harap ko at rinig kong sumarado ang pinto. Napabuntong hininga nalang ulit ako at bumalik sa dating pwesto ko sa sahig at tinuktok ang dingding.

The Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon