Chapter 28

23K 691 108
                                    

This is the start of Volume 2 - "The Two Gems"



I spiked dad's drink a day after.

Then I escaped again...

It's all his fault! Pinakita niya agad sa'kin kung anong mangyayari pag uwi ko ng bahay.

Nasa loob ako ng taxi papunta ng mansion. It took me a month to finally be out of dad's radar. Sa'n ako naglagi? Do'n sa kwebang tago at tinulungan parin ako nila Paeng tapos tinakas ako dito pabalik nang kumuha ulit sila ng supply sa syudad. I will forever be indebted to him.

I was back to wearing guys clothing since I'd be returning home. Kamusta na kaya sila don? Nagbabangayan parin siguro sina Yka at Bryan tapos ay nanonood lang sa kanila si Kael. Siguro laging laging nagba-bar sina Matthew kasama sina William at Ulysses. Si Marcus nakakulong na naman sa computer lab at marahil subsob na naman sa trabaho si HD. Araw-araw na parang sasabak sa gera dahil sa seryosong mukha at aura nito. Si Lumiere kaya? Siguro nasa orphanage lagi at namimigay ng candy. Nag-crave tuloy ako ng candy. Sa robinsya, pinagalitan pa ko ni Paeng dahil ako halos umubos ng isang garapon ng candy ni Aria.

Mga nasa alas sais palang ng umaga nang nakarating ako sa mansion. Masaya ako at nakabalik na rin sa wakas. Agad akong pinagbuksan ng gate ng mga gwardya at naglakad ako papunta sa pintuan. I turned the doorknob but the door was locked so I knocked.

Tulog pa siguro ang mga tao sa loob. Si HD lang naman ang maagang nagigising. Speaking of tulog, siguro si Icko nasa ospital parin at binuburo ang sarili sa kama. Kakatok pa sana ulit ako nang biglang bumukas ang pinto.

I was stunned and shocked when I saw they guy who opened the door.

"Hello! Good morning!" Nakangiting bati nito.

Yung ngiting naa-alala ko. Hindi pa nagbabago...

Hindi ako makapaniwalang naririto siya sa harap ko. Sa sobrang gulat ko at wala akong nagawa kung hindi ang titigan siya. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko. Saya, gulat, excitement at takot dahil baka panaginip lang ang lahat ng ito. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit para malaman kung totoo o hindi ang lahat pero hindi ko magawa. Hindi ako makakilos dahil sa sobrang gulat.

"Ahh--Hindi ka pa ba papasok?"

Ganoon pa rin ang itsura niya na parang hindi siya natulog ng isang taon.

"I-Icko!"

My feet were stuck in the ground and my eyes were focused on the man who used to be the reason why I sneaked out of the house. Icko—my first friend, my bestfriend.

Ayaw kong tanggalin ang paningin ko sa kanya dahil baka pag nalingat ako ng sandali ay malaman kong hindi totoo ang lahat. I knew he'll come back to us but I was not expecting this moment to arrive like a ton of brick smashed on my head.

"I-Icko... I-is this r-real? Kelan k-ka pa nagising?"

"Ah- eh lagpas isang buwan na pero noong nakaraang linggo lang ako nakalabas ng ospital." He said and forced himself to smile. Hindi rin siya makatingin sa akin ng diretso habang ako naman ay titig na titig sa kanya. Marahil ay naiilang siya sa mga titig ko. Hindi lang talaga ako makapaniwala."P-pumasok ka na muna... uhmm..a-ano nga ulit pangalan mo?"

"W-what?" mahina kong tanong pero alam kong narinig niya yon. Tinignan niya lang ako nang may pagtataka. Ganoon din ako. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

He asked for my name. He knew my name. Why would he be asking for it? Hindi niya ba maalala? Hindi kaya nagkakamali lang ako ng rinig? Siguro nga dahil sa sobrang pagod ko dahil as byahe. Paanong hindi niya alam ang pangalan ko eh naging magkaibigan kami. I treated him as my best friend and I knew he felt the same.

The Hidden GemWhere stories live. Discover now