Chapter 23

24K 758 71
                                    

Isa sa napiling guess speaker si HD para sa opening ceremony ng bagong building ng lugar. Isa itong orphanage na tumutulong sa mga bata na hasain ang husang sa larangan ng musika. Sumasali ang mga bata sa iba't ibang contest. Mula sa pagtugtog ng instrument hanggang sa pagsali sa mga singing contest. Isa ang kumpanya nila HD sa mga tumutulong sa orphanage kaya inimbitahan siyang isa sa mga guess speakers.

Hapon nang matapos ang event pero mayroon pang dapat pag-usapan sila HD at ang namumuno sa orphanage. Hindi na kami pinasama pa dahil pribado ang pag-uusapan. Ang iba ay nagbantay sa pintuan pero ako ay naglibut-libot muna.

Gaya ng inaasahan ay sinusunan parin ako ni Anton kung sa'n ako magpunta. Si Lumiere naman ay hindi o nakasama sa buong event. Wala ito sa event hall simula noong nagsimula ito. Pinagpatuloy ako ang paglalakad hanggang sa hindi ko na napansin kung nas'an ako. Nasa loob ako ng isang maliit na building.

"Waahh! Kuya Lumi."

Napasilip ako sa isang kwarto nang marinig ang iyak ng isang batang lalaki. Nakita ko si Lumiere na ginagamot ang sugat sa tuhod ng tansya kong apat na taong gulang lamang.

"Don't cry, Carl. Hindi ito masakit. Sandali lang 'to."

Hindi ko alam kung saan magugulat. The fact that Lumiere was kind and gentle while cleaning the kid's wounded knee or that he spoke tagalog. Once ko lang ata narinig ito noong magsalita at halatang halata na may accent ito. Humihikbi nalang ang bata habang ginagamot.

"There it's done. Masakit pa ba?" Tanong nito matapos lagyan ng band-aid ang sugat. The kid gave Lumiere a wide smile and shook his head. Ngumiti naman pabalik si Lumiere at binigyan ng lollipop ang bata.

"Salamat, Kuya Lumi!" Ginulo ni Lumiere ang buhok ng bata. Mabilis namang tumakbo palayo ang bata habang masaya dahil sa hawak hawak na lollipop.

Nakita niya ko nang dumapo ang tingin niya sa aking gawi. Balak ko sanang magtago pero naita na ko kaya pumasok na ko sa loob.

"Lumi huh?"

Ngumiti lamang ito sa'kin bago iligpit ang mga ginamit at ilagay sa medicine kit. Umupo naman ako sa upuan na inokupa noong bata kanina.

"Saan ka natutong magtagalog?"

"The kids. They taught me simple tagalong words at first."

Inabot niya ang kaliwang kamay ko at tinanggal ang panyong nakatali doon. Kagaya ng nakasanayan, hinayaan ko na lamang si Lumiere.

"What were the first tagalong words you learned?" Nangalumbaba ako sa arm rest habang ginagamot niya aking sugat.

Hindi naman ito gaanong masakit. Sa dami ng naranasan ko sa Dileri, mas marami pang malalang sugat ang natiis ko.

"The usual. Kamusta ka, mabuhay and mahal kita."

Tumingin siya at ngumiti sa'kin na kinakibit balikat ko lamanag. Nagpasalamat ako nang matapos siya. He placed a pink band-aid with flowers designed on it.

"Here you go little kid."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata habang inaabot sa'kin ang lollipop gaya ng ginawa nito sa bata kanina. Mahilig ako noon sa sweets kaya nga lang ay pinagbawalan ako ng daddy

I remembered a night when I was crying my eyes out while mom hugged me. I had a severe toothache from eating sweets. Father got mad and scheduled me in a dental clinic the next day then dad forbade me from eating candies. Tanging bubblegum lang ang nakakain ko kapag palihim na humihingi sa mga bantay na naninigarilyo. Ilang beses lang nangyari 'yon kasi ung mga tao sa'min hindi na ko binigyan. Natatakot sila nab aka tanggalan daw sila ng trabaho ni dad kapag nalaman nito.

The Hidden GemWhere stories live. Discover now