Chapter 20

23.6K 746 51
                                    


"Wow naman. The heiress of Mendez Empire finally showed herself." I heard Bryan said. "Alam niyo, that's the kind of girl I want. I'll give her anything in this world kahit na mga bituin sa bra ni Yka just to have one date with her. She's the perfect goddess for me." Bryan said not leaving his eyes on the TV then winked at Yka.

"Ahhh... nakakadiri kang manyak ka. Paano mo nalamang may bra kong ganoon? Hindi naman 'yon ang suot ko ah." Balik sigaw ni Yka.

I, on the other hand, looked back at the TV. Tapos na ang balita pero hindi ko parin maisip sa isip ko ung babae. She looked like me. The way she walked, dressed and especially, the confidence. How did that happen? Alam kong plano ito ng mga magulang ko. They wouldn't allow this if not, but for what?
Naputol ang pag-iisip ko nang tumili si Yka. I her snatched the brassier Bryan had then immediately placing it back in the paper bag she carried earlier.

Si Kael naman walang pakialam sa dalawa. Nagbabasa siya ng magazine habang kumakain ng mansanas.

Nakatingin ako sa kanila but my mind was somewhere else. Right now, I needed to observe my parents' plan especially that girl who had the nerve to pretend as me. Such a bold move. I just hoped she wouldn't mind if I stepped on her game.

"Akala mo naman papatulan ka non. Hindii ka pasok sa qualifications niya. Hindi ikaw ang tipo niyang lalake. Napakabastos at manyak mo."

"Alam mo bak-Ykang," sabi ni Bryan habang lumalapit kay Yka sabay akbay dito. Kitang kita ang pagkairita ni Yka. Pilit niyang tinatanggal ang braso ni Bryan pero walang nangyari.

"There are just two kinds of man in this world. First, mga lalaking pumapasok sa seminaryo, nagiging pari at sinasamba ang Diyos and then there's us. Mga sinasamba ng mga babae. Aminin mo na... pati ikaw sinasamba ako diba." He said moving his eyebrows up and down.

"So anong tignin ko kayla Icko at Ger aber?"

"Si Ger kabilang sa amin 'yan. Hindi ko nga alam kung bakit ka niya pinatulan eh." Tapos ay himimas himas niya ang invisible na balbas niya at mukhang nag-iisip pa. "Si Icko.. mukhang unan at kama ang sinasamba niya kaya unclassified siya. His loyal to his bed."

Yka kicked him in the nuts.

Napadaing ng aray si Bryan at bumagsak sa sahig malapit sa paanan ni Kael na prenteng nakaupo at nagbabasa parin. Dalawampu't anim na segundong hindi gumalaw si Bryan sa sahig nang magtanong na si Yka.

"Buhay pa ba, Kael?" Mahina namang sinipa ni Kael ang ulo ni Bryan pero wala paring response mula sa kanya. Kael just shrugged his shoulders while I decided to feed my raging stomach.

"Hoy unggoy. Gising! Hoy. Buhay ka pa ba?" Sumubo ako ng kanin at nilingon si Yka ngayon ay nakaluhod sa tabi ni Bryan habang inuuga uga. Pinilit kong gamitin ang kanang kamay ko kahit mahirap dahil sa benda. "Hala! Nahimatay na ata. Kael, tulong. Tawag ka ng doktor." Mabilis na sabi ni Yka kay Kael pero nginitian lang siya nito na nagpakunot ng noo niya.

Natataranta na ngayon si Yka na patuloy na inuuga si Bryan at tinatawag. Umungol ng konti si Bryan at mukang may gustong sabihin.

"C-c-c-CP-R" hirap na sabi ni Bryan. Patuloy naman kaming nanonood ni Kael sa kanila.

Nilapit ni Yka ang tenga kay Bryan. "Ha?"

"CPR. I n-need mouth to m-mouth p-para magkamalay a-ako."

"Agggghhh. Bwisit ka talagang hinayupak ka." Malakas na hinampas ni Yka ang dibdib ni Bryan.

Sa sobrang lakas ay napabaluktot pa si Bryan mula sa pagkakahiga. Mabilis namang tumayo si Yka at lumabas ng kwarto. Rinig na rinig naman sa buong kwarto ang halakhak ni Bryan habang nasa sahig pa. Nakisama narin sa pagtawa si Kael at napangiti naman ako.

The Hidden GemWhere stories live. Discover now