Chapter 42

17.7K 492 44
                                    

"Don't just stand there, Icko. Just punch me."

Nakanganga akong nakatingin sa kanya na para ba siyang nasisiraan. Ang totoo, nasisiraan na talaga siya dahil sa gusto niyang mangyari.

Ano daw? Nasisiraan na ba siya? Gusto niyang suntukin ko siya? At para saan naman?

Hindi ko na kailangan malaman kung paraan saan dahil baliw na talaga siya kung inaasahan niyang susuntukin ko siya.

"O sige." Bigla siyang ngumiti dahil sa sinabi ko.

"Talaga? I thought aayaw ka pero thanks!" At masaya pa talaga siyang nagpasalamat sakin. Ano ba talaga ang tumatakbo sa isip nitong babaeng ito?

Malalim muna siyang nagbuntong hininga bago pumikit at hintayin ang suntok na ibibigay ko.

"Sige pikit kalang. Eto na!" kinuyom ko ang mga palad ko para suntukin siya pero ang ginawa ko lang ay ilapat ang kamao ko sa pisngi niya.

Agad akong naglakad papalayo at hindi na hinintay kung ano mang reaksyon niya sa ginawa ko. Papalabas na ko nang may humawak sa braso ko.

"What the heck was that?" inis niyang sabi matapos tanggalin ang paghawak sa braso ko. Kitang kita kong hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Bakit? Inaasahan niya bang susuntukin ko talaga siya? Napakunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya para gawin to kaya nagtanong ako.

"Para san ba to?"

"Alam mo naman kung anong meron bukas diba kaya ito lang ang naisip kong paraan para hindi makilala."

"Anong paraan? Ang pagsira sa mukha mo? Baliw ka ba? Bakit hindi ka nalang magpalagay ng prosthetics sa mukha? At talagang magpapasuntok ka pa. Masokista ka ba?" sunud-sunod kong tanong sa kanya. Tinanggal niya muna ang salamin bago kusutin ang mata. Ngayon ko lang napansin ang itsura niyang parang pagud na pagod. Magulo ang buhok niya at mukang may itim na rin ang ilalim ng mga mata niya. Siguro hindi siya nakatulog dahil sa mangyayari bukas.

Magkikita na sila ng mga magulang niya. Gusto niya nang umuwi pero hindi pa daw pwede. Medyo naaawa ako sa sitwasyon niya. Na kailangan niyang magpanggap na lalake para makapagtago. Gusto ko siyang tulungan pero hindi sa ganitong paraan.

"Hindi mo ko naiintindihan." napapagod niyang sabi. "Mahirap maglagay ng kung anu-ano sa mukha araw-araw. Naisip mo ba na lagi nating makakasama ung anak-anakan ng mga magulang ko. Hindi lang isang beses natin siyang makikita like my parents. Bruises will heal and fade eventually kaya hindi niya na mapansin if my face change little by little. I just need to change my appearance for a bit in front of my folks. Do you get me?"

"Matalino ka at makapag-iisip ka pa ng ibang mas magandang paraan."

"And this is it." Agad niyang sabi. "Sige na, Iko. Hindi naman ako magagalit sa'yo eh. Just this once, please!" nagmamakaawa niyang sabi.

"Gusto man kitang tulungan pero hindi sa ganitong paraan. Sa palagay mo ba magagawa kong suntukin ka. Kahit nga lalaki ka nag-aalangan ako eh, ngayon pang babae ka. Meron pang paraan at hindi ung pagpapabugbog sa maganda mong mukha." Bigla akong natigilan at napamulan ng mukha dahil sa nasabi ko buti nalang at hindi niya napansin dahil sa sobrang pag-iisip at frustration siguro. "Pwede naman sigurong pakiusapan si HD na hindi ka makakapunta. Ako ang kakausap." Suwesyon ko at naglakas palabas.

"Duwag ka." Napahinto ako at napalingon dahil sa sinabi niya.

"Ano?"

"A coward. Sa'ting dalawa parang ikaw ang umaastang babae dahil sa kaduwagan mo. I just asked for a simple favor that you rejected. The others were right on saying that you're the most weak and coward of them." Napakuyom ang kamao ko dahil don. Tinawag niya kong duwag at mahina. Napakunot ang noo kong lumapit sa kanya at nakakaramdam ako ng galit. Parang gusto ko siyang saktan dahil sa pangiinsulto niya sakin at gagawin ko talaga 'yon pero nang makita ko siyang bahagyang ngumiti, natigilan ako. Imbes na suntukin siya ay pinitik ko nalang ang noo niya.

The Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon