Chapter 45

5.3K 224 37
                                    

Gaya ng utos ni Harvey, pumunta kami sa mansion. Si Lumiere ay pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Nakasalubong ko si Bryan at Kael at sabi nila, nasa gym daw si Harvey.

The indoor gym was located at the first floor of the mansion. Hindi pa ko ganong nakakalapit ay nakakarinig na ko ng ingay mula sa loob. It sounded like someone's exerting his strength and energy really hard and pounding at something because of the loud and continuous thud.

Hindi na ko kumatok at binuksan ang pinto ng basta basta at agad kong nalaman ang pinanggalingan ng tunog. Isang punching bag ang paulit ulit na tumatanggap ng matinding suntok ni Harvey. Nakakunot at seryoso siyang nakatingin dito habang buong pwersa niyang tinatapunan ng malakas na suntok ang bag using only his fists wrapped in a thin band. Bawat suntok niya dito ay gumagawa ng ingay na dumadagundong sa buong lugar at nagpapatalsik sa nakasabit na bag.

Then I felt something.

It's like the force he's been giving the bag got transferred to me. My heart's pounding really hard like it's synchronizing with his every punch. Bawat bilis at lakas ng suntok niya ay sinasabayan ng puso ko na para bang ito ang tumatanggap ng mga 'yon.

Mukang hindi pa sapat ang lamig ng aircon dahil sa init na nararamdaman ko. Not only my cheeks and entire face was burning but my whole body as well. I noticed how all the muscles on his shirtless body tensed and flexed in his every move. Napalunok ako dahil 'don.

Then his punches became more hard and fast that he even growled and cringed at the beaten bag. Lumalakas ang bawat tunog na nanggagaling mula sa kanya dahil sa panggigigil at walang tigil na pinag-susuntok ang bag.

"WHAT...THE...SHIT...IS...WRONG...WITH...ME!?" He said in every punch na ang bawat suntok at sabi niya ay palakas ng palakas.

He was heavily breathing when he finished. He steadied the swaying bag and rested his forehead against it while his eyes closed. Masyadong mabigat ang bawat paghinga niya at tumutulo ang mga buti ng pawis niya.

Mariin at tahimik kong pinagmamasdan ang itsura niya na halatang problemado at malalim ang iniisip hanggang sa tumingin siya sa direksyon ko. Gusto kong mag-iwas ng tingin sa kanya pero kagaya ng mga nakaraan, hindi ko magawa.

He stood up straight and frowned at me.

"N—nice p—punches." I stammered and hoping that I got successful at hiding how nervous I was right at this moment. His face got serious and his lips formed a thin line. Galit ba siya sakin?

Naglakad siya palapit sa isang mahabang upuan sa gilid habang tinatanggal ang nakabalot sa kamay niya at dumampot ng bottled water. Nanatili akong nakatayo malapit sa pinto at pinagmamasdan siya habang umiinom. Bigla na namang lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko ang parte ng leeg niya na tumataas baba. May mga patak ng tubig ding tumutulo mula sa bigbig niya pababa na humahalo sa pawisan niyang katawan.

Ano ba 'tong ginagawa ko? Napapikit ako ng madiin para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko na alam ang mga ginagawa ko. Hindi ko alam kung nasa tamang katinuan parin ba ko. I tried to think of something that'll turn my attention from HD away but it's hard. Pagpikit ko ay nakikita ko parin ang maganda niyang katawan at away niyang umalis. The irony of having an excellent memory.

I need this attraction gone. Yes! I admit that I'm attracted to him. Pero ayoko ng ganito kaya nag-isip ako ng mas malalim. I tried harder at pumasok sa isipan ko si Lumiere. Imbes na gumaan ay lalong bumigat ang pakiramdam ko nang makita ko ang malungkot na mukha ni Lumiere.

"May sakit ka parin ba?" nagulat ako at medyo naputol ang malalim na pag-iisip ko nang marinig si Harvey sa harapan ko. Nanatili akong nakapikit para ayusin ang sarili ko saglit.

The Hidden GemOn viuen les histories. Descobreix ara