Chapter 50

5.6K 312 127
                                    

Icko

"Parang ang tagal naman ata ni Ger umahon." Rinig kong sabi ni Mark, isa sa mga kasamahan namin habang nagpapaypay ako ng inihaw na isda.

Pinakinggan ko lang silang nag-uusap. Nakita daw nialng nagdive si Ger mula sa talon pero hindi na ito umahon. Nung pumasok sa isip ko ang sinabi nila, agad kong binitawan ung pamaypay at tumakbo papunta sa ilog.

"Ger? Ger?" paulit ulit kong sigaw. Naalarma at kinakabahan nako. Alam kong hind siya marunong lumangooy at imposibleng tatalon yon para maligo.

"What happened?" Agad na lumapit si Lumiere na halatang nag-aalala narin. Nasando lang ito at nakaboard shorts.

"Si Ger nahulog daw mula sa taas. Hindi marunong lumangoy yun eh." Kinakabahan kong sabi habang patuloy na hinahanap siya sa buong ilog. Narinig kong nagmura si Lumiere at agad na lumusong sa ilog.

Ganoon na rin ang ginawa ko at lumangoy ako para hanapin si Ger sa ilalim ng tubig. Ilang minuto akong naghanap at ilang beses na rin ako umahon para lang kumuha ng hangin. Nakita ko rin si Lumiere na ginagawa ang ginagawa ko pero ung mga kasamahan namin nagtatakang nakatingin samin. Bumalik ako sa paghahanap hanggang sa makita ko ang katawan ni Ger na unti unting bumababa.

Agad akong lumapit at iniangat siya.

"OMG, Ger!" Sigaw ni Yka nang makita akong karga karga si Ger palayo sa ilog.

Nang makaalis kami sa ilog ay agad na kinuha ni Lumiere sa'kin si Ger kabang ako ay napaluhod, napahawak sa lupa at napaubo para humugot ng hangin. Nakapalibot narin sila kay Lumiere at Ger at nakita kong napapaluha na ang kapatid ko.

"What happened to him?"

"Nakita kong nahulog siya mula sa taas."

"Shit! Nabangga namin siya kanina 'don."

Nagkakagulo na sila habang binibigyan ni Lumiere si Ger ng CPR. Lumapit narin ako at umupo sa tabi ni Yka. Nagdadasal na sana maging ligtas lang si Ger. Ilang beses nang ginawa ni Lumiere ung CPR pero wala paring nangyayari. Napapasinghot na rin ung kapatid ko at naiiyak na.

Biglang dumating si HD kasama si Gem at nilapitan agad siya ni Kael. Nakikita kong tumitingin tingin si HD kay Ger habang kinakausap siya ni Kael at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. May pag-aalala at pagkataranta sa itsura niya. Bigla niyang iniwan si Gem para lumapit at lumuhod sa paanan ni Ger.

Kunot noo siyang tumitingin sa ginagawa ni Lumiere at kita ko sa mukha niya ang pagkairita habang nanonood lang.

"Take his clothes off." Utos niya at biglang pinigilan si Lumiere para pwersahang buksan ang mga butones ng polo ni Ger. Bigla naman akong naalarma dahil baka makita niya kung anong tinatago ni Ger. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla siyang tinulak palayo kay Ger. Galit na galit ang itsura niya at lahat yon ay nakatuon sakin.

Tumayo siya at kinuwelyuhan ako pero pareho kaming napatingin kay Ger nang bigla itong umubo. Sinenyasan ko si Lumiere na ialis siya siya dito at agad naman niyang binuhat si Ger palayo.

"Roux!" sigaw ni HD na binitawan ako para sundan si Lumiere na mabilis na dinala si Ger palayo. Sumunod kami at naabutan namin si HD na marahas na kinakatok ang sa tingin ko ay kwarto ni Lumiere. "Open this godamm door Roux." Sabi niya habang katok ng katok.

"Pabayaan mo na siya HD. Okay na si Ger." Hindi lang siya ang kinukumbinse ko kundi pati narin ang aking sarili. Nakita namin siyang umubo pero hindi pa namin siyang nakikitang dumilat. Sana lang alagaan siya ni Lumiere.

"Are you fcking kidding me? He almost drowned at itinatago siya ni Lumiere. How is he okay?" nanggigigil sa galit niyang sabi.

"Kilala ko si Ger. Malakas siya kaya alam kong okay lang siya." Sabi ni Yka na sininghalan lang ni HD at bumalik sa pagkatok.

The Hidden GemWhere stories live. Discover now