Chapter 47

4K 242 36
                                    

"I thought that he was with them." Nahihiyang sabi niya. "Nakasalamin siya tapos nakasumbrero. Hinanap ko na siya kanina pero hindi ko na siya nakita."

"Nakasumbrero at nakasalamin?" nag-iisip na tanong ni Kael.

"Hindi ba si Ger 'yon?" sabi ko. Baka noong nagbanyo siya 'don siya pumunta dito. Pero bakit naman siya pupunta dito at kukunin kung ano man ang nasa vault? May maganda naman siya sigurong dahilan.

"I knew it. That guy's a bad idea." Inis na sabi ni Gem. Tinaas niya pa ung dalawang kamay niya para ipakita ang nararamdaman niya. "Harvey, Ano nang gagawin natin?" pagmamaktol niya kay HD.

"Don't worry, I'll talk to him later." Seryosog sabi ni HD.

"Hindi ka naman naniniwala na gagawin ni Ger 'yon diba?" singit ko. Talaga bang naniniwala siya na gagawin ni Ger 'yon. Kilala ko siya at hindi niya gagawin 'yon kapag walang dahilan. Naaasar ako dahil pinagdududahan na naman niya si Ger kagaya ng dati.

"But someone saw him." Madiin na sabi ni HD.

"May be you shouldn't judge Ger easily, again." Tama ang sinabi ni Kael.

"Yeah, dude. Remember when you last did that." Paalala ni Bryan. Mukang pati sila hindi naniniwala pero bakit itong si HD mas pinaniniwalaan pa itong si Gem kesa kay Ger. Masyado na yata siyang nabubulagan sa babaeng ito. Nagisip siya saglit at bumuntong hininga.

"I think Ger has his reason." Seryosong sabi ni HD kay Gem.

"But Harvey. He should be punished." Pagmamaktol at pamimilit niya kay HD.

"Yes he will." Biglang napangiti si Gem sa sinabi niya. "Kung may kasalanan talaga siya." Pinal na sabi ni HD na nagpakunot ng noo ni Gem. Halata namang gusto niyang maparusahan si Ger.

"Pasensya na sa istorbo." Paumanhin ni Mr. Cruz. Pati siya ay dismayado sa mga nangyari. Naglalakad kami papuntang pintuan para umalis na. Wala na kasi kaming gagawin dito eh. Hindi narin kami nagtanghalian dahil gusto nang umalis ni Gem.

"Papa, siya yon." Biglang sabi ni Rosemarie nang makadaan kami sa sala nila.

Agad naman kaming pumasok 'don at nakita namin si Ger na natutulog sa sofa. May bag na nakapatong sa tyan niya na pambata at dala dala niya narin si Doggie na natutulog din sa dibdib niya. Gaya ng dati nakapasok parin ung katawan ng tuta sa kwelyo niya.

Gumalaw ung tuta at nagising. Nakatingin lang kami sa kanya dahil parang ayaw naming gisingin. May lakas ng loob ka bang gisingin ang isang taong ganyan kahimbing ang tulog. Siguro napagod talaga siya sa pag-aalaga kay Lumiere.

Dinila dilaan ni Doggie ung baba niya at bahagyanng gumalaw si Ger.

"Hmmm." Ungol ni Ger. Kinuha niya ung bag at binuksan. May dinukot siya 'don pero nanatiling nakasarado ung mga mata niya.

Lollipop? Oo. Yun ung kinuha niya sa bag. Instinct nalang ata ang nagpapagalaw sa kanya eh. Nakapikit pa kasi siya pero nagagawa niyang buksan pa ung lollipop. Kakaiba talaga.

"Sya ba talaga yon anak?" mahinang tanong ni Mr. Cruz.

"Opo siya 'yon. Nakita ko siyang pumasok sa kwartong yon kanina."

"Gisingin niyo na nga, Harvey." Utos ni Gem. Napatingin ako kay HD na parang nagulat pa sa sinabi ng katabing nakakapit sa kanya. Nakatitig din kasi siya kay Ger kanina. Napaharap naman siya kay Kael nang sikuhin siya nito. May kung ano sa tingin ni Kael na nagpaseryoso ng mukha ni HD. Ano kaya yon?

"Ako na." Lumapit ako sa natutulog na mukang anghel sa sofa. Napatingin pa sakin ung tuta at gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Pano ko kaya ito gigisingin?

The Hidden GemWhere stories live. Discover now