Chapter 49

5K 261 58
                                    



Ilang linggo narin ang nakakaraan nang dumating dito sila Paeng at Aria. It just so bad that I could only spend little time with them every day because I had works. Yup! Dalawa kasi ang akala ko inalis ako ni Harvey sa pagbabantay kay Gem pero lagi naman akong sinasama kapag lalabas silang dalawa. Instead of going to Paeng's apartment and play with Aria, I was forced to join them with Iko and the others to follow them both wherever they would go.

I was planning to see Aria every day after my work with HD pero lagi siyang nagpapasama kapag may dinner sila ni Gem. There was this time that he brought me to mall just to buy gift for her and he even took my opinion. What I did was groaned, whined and pouted a bit 'cause how was I supposed to know what she liked. Mas masaya siguro ako kung kasama ko si Aria at Paeng pero siya mukang masayang nakikita akong naiinis. Minsan kasi nakita ko siyang ngumingiti sa mga reaksyon ko ng patago. Tss!

Minsan bigla nalang sumisigaw at tinatawag kapag nakikipag-usap ako lalo na nung isang araw. Lumiere and I were taking about what happened to him that night and I didn't expect the things he said to me. He was secretly doing his own job without anyone beside him knowing.

Nagulat ako at medyo nagtampo narin dahil hindi ko pa malalaman kung hindi siya nadisgrasya. Sabi niya may sasabihin siya sakin na mahalagang bagay na nalaman niya pero hindi niya na natuloy dahil biglang may sumigaw ng pangalan ko mula sa likod. Si Harvey na seryosong seryoso ang mukha na tingawag ako para lang hanapin sa kin ng fountain pen na pinahanap niya sa office niya na nakalagay lang sa bulsa ng coat niya. Ugh! Hindi ko tuloy nalaman kung bakit pumasok si Lumiere sa—

"Move to your positions." I was pulled out from my reverie when Marcus shouted. "Thirty minutes ang span ng game. After that, we will count the points based from the number of paint bullets you got. Pababaan ng score, okay. Max of three hits per person kaya kahit ubusin niyo ung bala niyo sa isang tao, tatlo lang ung score niya. Hindi narin pwedeng bumaril pag tatlo na ang tama mo."

Sabay sabay nagsigawan ang mga kasama ko sa training camp. Napabuntong hininga nalang ako at nagbukas ng lollipop habang sila ay sunud-sunod na nagkasa ng mga baril nila.

Isang araw, bigla nalang nagdecide si Harvey na magtraining camp kami na tumatagal ng tatlong araw. Pangalawang activity na namin to dahil kaninang umaga, dumaan na kami sa mga obstacle course. Hinati kami sa dalawang grupo ang each team composed of sixteen members. Red and Blue team. Nagbunutan na kami kanina at kagrupo ko si Lumiere at Icko sa red team.

"Any final words?" Walang nagsalita samin maliban sa isa.

"Ako meron." She shouted then emerged from her team. "Ikaw!" sigaw at turo niya sa'kin gamit ang baril. "Pagsisisihan mong ipinagpalit mo ko sa kapatid ko pati narin dyan sa French fries mo. Tandaan mo 'yan, Ger." Umismid siya at kinasa ang baril.

Lumapit naman si Bryan kay Yka at inakbayan ito. "Don't worry Ger, ako ang bahala dito. I'll protect you with all my heart, sweetheart." Bryan winked while she plastered a disgusted face and shoved off Bryan's arm and other's finding the two of them amusing. Kasali rin pala si Yka dahil nagpumilit siyang sumama. Nakiusap nalang ako kay Harvey na isama siya dahil mag-iiwan daw siyang mag-isa sa mansion at ginawa niyang dahilan ang pagsama rin ni Gem. Of course, kung nasan si Harvey nandon din siya.

After Yka and Bryan's scene, both teams went to their respective base. Nasa private island kami ng Dileri at tatlong bahagi ng isla ay gubat. Magsisimula ang laro kapag nakarinig kami ng putok ng baril.

"Hui! Bat dyan ka?" I heard Icko asked while I climbed a big tree. "Matutulog. Gisingin niyo nalang ako." Sabi ko sa kanila ni Lumiere nang makaakyat ako. Kinapa ko muna ung mga lollipop ko na itinago ko sa bulsa kasi baka nahulog bago ako humanap ng magandang pwesto at umigllip.

The Hidden GemWhere stories live. Discover now