Chapter 21

23K 688 64
                                    

"It's my dad. Kinakamusta ko lang..." His brows creased with my answer.

Ako naman ay pinipilit na maging kalmado kahit na nagwawala ang kaba sa aking puso.

"HD, ito na ung files mo. Oh, Ger! Andito ka pala."

I thanked God that Marcus came right in time so I took the chance to excuse myself from his suspicious stares. I pulled out the locator blocker and rushed to the door. Nginitian ko si Marcus at tumingin kay HD bago lumabas. Nakakunot parin ang noo niyang nakatingin sa akin.

He's starting to doubt me.

Hindi ako makatulog nang gabing 'yon. Iniisip na baka dahil sa nangyari, magkaroon ng pagdududa sa'kin si HD. Nakakaduda naman talaga ang ginawa ko pero ang hindi ko alam ay kung ano ang pumapasok sa isip niya matapos akong mahuli.
My heart almost jumped out from my chest when two days after, HD called me to his office.

"You called for me?" I asked, cautiously.

Sinulyapan niya lamang ako mula sa pinipirmahang papeles.

"You have a new job."

"What job?" I frowned.

He lifted his cold gazed at me making me gulp. "You'll be one of my bodyguards."

"B-bodyguards? Bakit?"

"You know what happened to Dex so you'll replace him." He vaguely answered. "Tinaggal din kita sa first group you'll be with Kael and Bryan for the Annual information exchange."

"Okay... How long?"

"Until I say so."

I accepted the new job and his reasons. Hindi narin ako kumontra dahil baka mas madagdagan ang panghihinala niya. After the attack on him, he's been cautious. Nagpapa-imbestiga siya dahil alam daw ng mga kalaban ang tungkol sa schedule niya pati ang aktibidades ng Dileri. A traitor inside the group was one of the possibilities.

Being his new bodyguards was just a cover. He wanted his eyes on me all the time. Ito ang paraan niya para masubaybayan ako dahil sigurado akong nasa listahan niya ng mga traydor ang pangalan ko.

I knew I was right when he had me followed him wherever he goes. I thought there may be some boundaries like taking a piss but he made me followed him while he did his thing. Sobrang pamumula ng mukha ang naganap sa'kin. Kahit tumatalikod ako o kaya naman nagpapanggap na nagsasalamin, hindi parin ako mapalagay dahil alam kong nasa likod lamang siya at tinututukan ng sandata ang cubicle.

Buti nalang ay minsan lang dahil kapag hindi niya 'ko mabantayan, yung dalawa pa niyang bodyguards ang nagbabantay sa'kin.

They thought that I wouldn't notice their eyes on me all the time. Their hidden signals and all?

I sighed and tried to ease myself. Habang hindi pa nahuhuli ang traydor, ako parin ang primary suspect. Kahit sa buong grupo ay may konting suppression na nagaganap. Hindi narin basta basta nagsasabi ng bagong impormasyon sa kung sino. All HD would say was your position in the mission, the goal and what needs to be done.

Hinihintay ko si HD sa may pinto nang lumpit si Lumiere. Kumunot ang noo ko sa kanya nang lumapit ito sa'kin.
"He's suspecting you. What happened?" Seryoso niyang tanong.

I shrugged. "You don't have to put your concern here. I can handle it."

Nang mapansin ko si HD na pababa na ng hadanan ay tumalikod na 'ko para sabihin sa iba na maghanda na pero hinawakan ni Lumiere ang kamay ko.

"Tell me." Pagpipilit niya sa matatag na boses.

My frowned deepened and stared at him. Sasabihin ko na dapat na umalis na siya nang maramdaman ko ang presensya ni HD. Nakakunot din at nagtataka siyang tumingin sa mga kamay namin. Agad ko namang binawi ito.

The Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon