Chapter 59: Family

2.7K 113 14
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 59


FAMILY


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


"What's wrong?"


"Kinakabahan ako," namumutlang sambit ni Chess habang nilalaro ang mga kamay.


"Kinakabahan? About what? The dinner?"


"Of course, it's the dinner!"


"Don't be. Kilala ka na naman nila."


"That's the thing, kilala na nila ako. Alam rin nila ang pag-alis ko," pag-amin ng dalaga.


Natatakot si Chess na hindi s'ya welcome sa mga Fuentes. Una, umalis s'ya ng walang pasabi at iniwan ng basta si Rose. Ikalawa, umalis s'ya matapos ang libing ni Sander na hindi rin n'ya nadalawa noon dahil sa kakapanganak pa lamang n'ya. Nahihiya rin s'ya kay Belle dahil sa napaka-bait nito sa kanya at alam ni Chess na tinutukso ng ginang.ang kanyang mga anak sa kanya. At huli, itinago ni Chess si Knight sa kanila.


"H'wag kang mag-alala."


"Paanong hindi? Kung makapagsalita ka naman parang walang nangyari."


"Just trust me, Chess. At kung iniisip mo na huhusgahan ka nila, stop overthinking and just focus on me." Akmang sasagot pa si Chess nang biglang kabigin ni Sebastian ang kanyang ulo at pinagdikit ang kanilang mga labi.


Hindi s'ya agad nakagalaw. Huli na ng mapagtanto n'ya ang nangyari -- na nahalikan s'ya ni Sebastian.

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now