Chapter 9: Unhidden

3K 92 1
                                    

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 9

UNHIDDEN

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Pagkadating sa condo ay nagderetso na si Sebastian sa kuwarto niya. Agad siyang nagtanggal ng damit at nagtungo sa banyo upang mag-shower at magpalamig ng ulo.

Naiinis siya sa kanyang sarili dahil sa nangyaring pagwo-walk out ni Francheska kanina. Ni hindi nga niya alam kung naka-uwi na siya. At kahit alam niyang hindi naman mapapahamak si Francheska sa pagbibiyahe sa bus, hindi pa rin niya mapigilang mag-alala.

Pagpihit niya sa shower ay bumuhos kaagad ang malamig na tubig na yumakap kaagad sa kanya mula ulo hanggang paa.

"You're such a wuss, Sebastian," aniya sa sarili.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na siya ng banyo at nagbihis ng puting sando at black khaki shorts. Pinatuyo niya rin muna ang buhok bsgo lumabas ng silid.

Pinuntahan niya ang silid tulugan ni Sander na tulog pa rin. Mahimbing lamang ang kapatid at napakapayapa ng mukha, hindi kagaya niya na stressed na sa maraming bagay. Una, sa pag-iisip kung kailan magigising ang kapatid at ikalawa naman ay tungkol sa pag-aaway nila ni Francheska.

Kinuha niya ang listahan ng mga paalala ni Dr Sue. Pumayag si Sebastiam na itago muna ang sakit ng kapatid mula sa kanilang pamilya hangga't hindi pa niya ito nakakausap nang masinsinan.

Lagi niya itong tinitingnan basta maka-uwi upang masiguradong wala siyang makakaligtaan. Iyon nga lang, kung nagigising si Sander sa mga oras na wala siya sa bahay ay hindi niya malalaman. Iniisip na niyang lagyan ng camera ang kapatid pag pumayag ito pag gising.

Maliit lamang naman ang listahan na iyon. Nakalagay roon na siguraduhing maayos at komportable ang pasyente. Paminsan-minsan ay kailangang igalaw-galaw ang mga braso at binti nito upang hindi manibago kapag nagising na. Kung maaari rin ay punasan ang pasyente lalo na kung ilang araw na itong natutulog. Kinakailangan ring may nakahandang tubig sa tabi ng kama nito para kapag nagising ito ay iinom na ito kaagad.

"Wake up, douché."

Umupo sa tabi ng kama ni Sander si Sebastian at inabot ang braso nito. Marahan niya itong itinaas at ikinilos. Unti-unti ay nasasanay na siya sa kinakailangang gawin. Mabuti na lamang at kalmado na ang kanyang isipan dahil baka nasasaktan na pala niya ang kapatid.

Kinilos din ni Sebastian ang kamay ng kapatid—kagayang-kagaya ng kamay niya. Tiningnan niya ang mukha ng natutulog na kapatid at napatawa siya sa sarili. It felt like he was looking at his own reflection.

Hindi kagaya ng isa pa nilang kakambal na si Samara, sila ni Sander ay talagang identical. Kaya mas napapagkamalan na mas nakababata nilang kapatid si Samara sa halip na ka-triplets nila.

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz