Chapter 31: Again

2.2K 68 7
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡


CHAPTER 31


AGAIN


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡


Matapos tumawag sa kanilang kapatid ay nakatanggap ito ng mensahe mula sa kanyang mga kasama sa kampo. Hinihintay s'ya ng mga ito sa isang malapit na club.


Napagpasyahan ni Sebastian na maligo na at mag-ayos. Hindi s'ya nakatanggi noong pinagplanuhan iyon at kung hindi s'ya pupunta ay sila ang pupunta sa kanilang condo.


Iyon ang hindi n'ya hahayaan. Una, kailangan ni Sander magpahinga at ikalawa, naroroon rin si Chess na buntis.


'Buntis... They also did it,' isip n'ya.


He smirked internally. Ano nga ba ang kanyang iisipin? Bakit ba n'ya iyon iniisip? Magkasintahan sila? Normal na ang ganoong bagay sa pagitan nina Sander at Chess. Hindi ba at 'yon ang gusto n'yang mangyari?


Matapos magbihis ay pinuntahan n'ya ang kwarto ng kapatid at kumatok. "Bukas 'yan, bro," dinig n'ya ang sabi ng kanyang kapatid.


Binuksan n'ya ang pinto at naka-upo si Chess sa kama ni Sander samantalang kakalabas pa lamang ni Sander mula sa banyo na pinupunasan ang basang-basa ang buhok. Pareho pala silang naligong magkapatid.


"Aalis muna ako," ani Sebastain na parang nasasakal sa kanyang naabutan. Wala man silang ginagawang wala sa ordinaryo pero naroroon pa rin si Chess sa silid ni Sander.


"Pasaan ka naman?"


"Hanging out with the other cadets on break. Hindi na ko nakatanggi, e. I'll be back later," ani Sebastian.


"Sige. Sige. Mamaya pupunta na kami sa condo ni Chess."


"Bakit?"


"Wala na s'yang pamalit na dala at may tatapusin s'yang thesis kaya doon na muna ako,"

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now