Chapter 32: Unidentified

2.1K 72 4
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 32


UNIDENTIFIED


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


Nagising si Sebastian na ubod ng sakit ang ulo. His throbbing head reminded him that drinking isn't really his game.


Narinig n'ya ang pagkaluskos ng kanyang cellphone sa kung saan man. Sa kanyang pagbangon ay nagpalingon-lingon s'ya sa paligid at nagtataka kung paano s'ya nakarating sa kanyang silid. Pero higit sa lahat, paanong nangyari na wala s'yang kahit anong suot na damit!


Ito ang unang beses na nalasing s'ya at walang saplot pagka-gising. Ilang beses na rin naman silang nag-inuman ni Sander noong ayos pa ito pero hindi naman umabot sa puntong maghuhubad s'ya.


Kinuha n'ya ang cellphone at ang alarm clock pala iyon. Kung nasa kampo s'ya, mag-aagahan na ang mga kadete bago bumalik sa pagtetraining. Ipinatong n'ya ang cellphone sa mesa.


Agad n'yang isinuot ang boxers at sando saka lumabas ng kanyang kwarto. Sinuri niya ang bawat silid ngunit mag-isa lamang s'ya sa condo. Balot ng nakakarinding katahimikan ang buong condo at walang naiwang bakas na may iba s'yang kasama roon.


'What the hell happened to me?' Hindi n'ya mapigilang isipin.


Nagtungo s'ya sa kusina at kumuha ng tubig mula sa ref. Sa kanyang pag-inom ay napansin n'ya ang dalawang baso na nakapatong sa mesa. Kumunot ang kanyang noo sa pag-iisip kung paano nagkaroon ng dalawang baso sa ibabaw ng mesa gayong hindi pa naman umuuwi si Sander?


Lalong sumakit ang ulo ni Sebastian sa pag-iisip.


Sa kanyang pagtitig sa baso ay may malalabong imahe at boses s'yang naririnig sa likod ng kanyang isipan.


"Sebastian..."


Para s'yang namamalik-mata. Sigurado s'yang boses iyon ng babae ngunit malabo. Hindi n'ya mawari kung kaninong boses ba iyon. All he can think now is the possibility that he had a one night stand with an unidentified woman.

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now