Chapter 45: Time

2.3K 90 7
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 45


TIME


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

  

SEBASTIAN sat on his swivel chair and never stopped tapping his pen on the desk. Hindi n'ya alam ang nararamdaman. Galit? Inis? Suklam? Ano ba dapat ang kanyang maramdaman?


If it was true that time heals wounds, is he short of time or is his wounds still fresh as it is? He was confused and bewildered. He was restless.


Isang linggo na rin ang nakakalipas magmula noong ipinaalam ng kanyang mga kapatid ang patungkol sa proposal ng mga Imperial na maging kasapi ng kumpanya nila at ngayong araw nakatakda ang unang meeting nila. Ipinasa kaagad ni Trent, ang secretary ni Ysiquel, ang mga papeles patungkol sa meeting kay Danica.


Hindi s'ya mapakali. Parang nasasakal s'ya sa suot na damit kahit na bukas naman ang unang tatlong butones ng kanyang damit. He felt like taking a smoke before the meeting. He's not a heavy smoker but he does smoke one as an excuse when he's bombarded with work. Sinisigurado n'yang hindi rin makakalanghap ng usok ang kanyang anak kaya hindi n'ya sinanay ang sarili na naninigarilyo parati. Hindi rin matutuwa ang mga magulang n'ya kapag nalaman na naniinigarilyo ito.


Tatayo na sana ito nang may kumatok. "Sir, everyone is in the boardroom now," ani Danica sa kanyang boss.


"Alright. Let's go."


Tumayo na ng maayos si Sebastian at itinipay ang butones ng kanyang suit. Lumabas sila ng opisina at bumaba sa sunod na palapag kung saan idadaos ang meeting.


Pakiramdam n'ya ay namamasa ang kanyang mga palad. Kinakabahan ba s'ya? Parang matagal na noog kinabahan s'ya ng ganito.


Huling beses na kinabahan s'ya ng todo at noong tumatayo na si Rose at ginagawa ang una nitong mga hakbang. Matindi ang kanyang pag-aalala na baka matumba ang anak pero mas umapaw naman ang sabik at galak ng mga oras na iyon.


"Sir," naputol ang malalim na pag-iisip ni Sebastian ng tawagin ni Danica. Nilingon nito ang dalaga. "Did you want to have black coffee or tea?"

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon