Chapter 16: Decision

2.3K 69 2
                                    

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 16


DECISIONS


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


Kadarating lamang ni Sebastian sa unibersidad. Hindi n'ya kasabay si Sander dahil susunduin daw nito si Chess sa condo nito. Hindi rin nakatakas sa kanya ang bitbit na bulaklak ng kapatid.


Freshly-picked roses wrapped in pink and white plastic sheets, halatang pinagkagastusan ng kapatid dahil may kamahalan ang mga rosas sa lugar.


But the cost won't ever be an issue to them. Malaki naman kasi ang allowance nila na itinatabi mula sa kanilang kuya. Magagalit kasi si Ysiquel kapag nalaman na kung saan-saang hindi importanteng bagay ginastos ang pera. They were trained to save and set aside their money kahit na ubod sila ng yaman.


Pero panliligaw? Ysiquel might even help them if they ask for it. But they wouldn't. Iba kasi ang pagtrato ni Ysiquel sa kanilang mga lalaking kapatid at kay Sammy na nag-iisa nilang babae.


Bukod pa dito, alam na kaagad ni Sebastian na seryoso ang kakambal n'ya sa panliligaw sa dalaga. Hindi iyon kagaya ng ibang trip nila na pulos paglalaro sa damdamin sa taong hindi sila makikilala.


It's really different.


Natamaan talaga ni Kupido si Sander at tumagos ang pana sa puso nito kaya ganito kaseryoso ng kanyang kapatid sa panliligaw.


Ni minsan ay hindi ito nagbigay ng bulaklak sa ibang babae maliban sa ina nila ngunit ngayon, may bulaklak para sa ibang tao... Mali pala na iba sapagkat pamilya na rin ang turing ng mommy Belle nila kay Chess. Their mother is very fond of her.


At isa pa... May kondisyon si Sander. 'Yun nga lang, hindi iyon kumpirmahin ng ospital na isang sakit. Hindi rin n'ya ito matawag na sakit dahil ang weird lang na isipin na ang pagtulog ni Sebastian ay isang sakit. Marahil ay sa darating na mga panahon, saka n'ya masasabi na sakit nga iyon at gusto n'yang gumaling ang kakambal.


Nawala na nga ang kakambal ng kuya Ysiquel nila at maging si Crystal na kasintahan ng bunsong kapatid n'yang si Eman, ay may karamdaman at posibleng mawala ano mang oras... Ngayon ay si Sander naman?

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now