Chapter 55: Knight Vincent

2.8K 109 16
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 55


KNIGHT VINCENT


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


Tahimik ang paligid nang pumasok sila sa loob ng bahay. Kagaya ng labas, luma rin ang bahay na nakatirik. Luma ngunit malinis.


May lumabas na matandang babae mula sa loob. nakasuot ito ng asul na bistida at litaw ang namumuti nitong buhok. "Aba, nakabalik ka na, hija!" Magiliw nitong bati sabay lapit sa kanila habang hawak ang balakang.


"Opo. Nga pala, si Sebastian at si Rose," pagpapakilala ni Chess sa mag-ama.


"Sila ba?" Mahina ang pagkakatanong ng matanda at hindi nakatakas ang pag-tango ni Chess kay Sebastian.


Ngumiti ang matanda sa mag-ama. "Magandang umaga sa inyong dalawa. Ako si Marisa. Pagpasensyahan n'yo na at maliit lamang ang aking bahay."


"Ako ho si Sebastian at ito ang anak kong si Rose."


"Hello po!" Magiliw na bati ni Rose.


"Aba! Ay pagkagandang bata naman nito. Kamukhang kamukha mo ang mga magulang mo," ngiti ng matanda.


Sa isang pahayag na iyon ay nasigurado ni Sebastian na alam ng matanda ang totoo. She knows something.


"Pasok kayo. Pasensya na at hindi pa ako nakakapag-ayos."


"Ayos lamang ho," magalang na ani Sebastian.


"Nay, si Knight po?"


"Andoon at naglalaro. Kakatapos lamang mag-agahan."


"Salamat po. Dadalhin ko lang po sina Sebastian at Rose doon."


"O s'ya, sige. Ako'y magdidilig lamang sa labas."

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now