Chapter 2: The Brothers

6.6K 145 5
                                    

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 2

THE BROTHERS

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

"Sen! Gising na!" pagmamaktol ni Sebastian sa kapatid na masarap ang tulog sa magulo nitong kama. Pinatay ni Sebastian ang aircon sa silid dahil ubod nang lamig na roon.

"Five more minutes..." Inikot ni Sander ang katawan at hinayaang mabalot muli ng antok ang sarili. It was such a good time to simply be sleeping and distractions are not pleasing.

"Five more minutes ka r'yan. Mamaya yelo ka na sa sobrang lamig dito sa kwarto mo." Binuksan ni Sebastian ang mga kurtina na humahara sa liwanag mula sa labas ng condo nila. Halos normal na ginagawa ni Sebastian ang panggigising sa kapatid.

Nasilaw si Sander at ginamit ang unan upang maitago ang kanyang mukha.

"Mamaya na," he groaned in frustration.

"Gago! Gumising ka na. Si mom hinihintay ka na sa kusina," ani Sebastian.

Napamulat si Sander at bumangon. "Is it today?" Nakaramdam din ito ng panandaliang sakit sa ulo dahil sa biglaang pagbangon.

"Yeah, pinagigising ka na nila mom bago sila magpunta sa kompanya," dagdag nito.

"Fuck! I totally forgot about it." Bumangon si Sander at kumuha ng sando sa aparador.

Nangunot ang noo ni Sander nang marinig ang pagtawa ng kapatid. "What's funny?"

"Iba ka, bro," panimula ni Sebastian, "Natulog kang malakas na malakas ang aircon tapos hubad ka pa pala. Buti hindi ka naging snowman dito."

"Mainit kagabi," tipid na sagot ni Sander. 

Si Sebastian ay nakasuot na ng T-shirt at shorts dahil kanina pa itong gising. Pinaalalahanan kasi ni Ysiquel, ang nakatatanda nilang kapatid, na tatawagan sila ng mga magulang nila ngayong araw. Tumakbo si Sander sa banyo at agad naghilamos at nag-toothbrush. Dahil sila lamang naman kasi ni Sebastian ang nakatira sa condo na iyon na sa magulang talaga nila.

"Hurry up, douchebag," pagtawag ni Sebastian.

"Shut up, dickhead."

Humarap si Sander sa salamin at inayos ang magulong buhok. Kung naalala lamang niya na ngayon makaka-chat ang ina ay naghanda s'ya. Ayaw kasi nito na isipin ni Ysabelle na pinababayaan niya ang sarili.

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now