Chapter 7: The Brother's Secret

3.4K 95 7
                                    

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

CHAPTER 7

THE BROTHER'S SECRET

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

"Let's all welcome to the court the players of Mei Young University!" anunsyo ng commentator sabay ang paglalabasan ng mga manlalaro ng unibersidad.

Malakas na hiyawan ang sumalubong sa tainga ng mga manlalaro at mga manonood. Unang araw ng sports competition na kabilang ang magkapatid na Fuentes sa basketball. Elimination round pa lamang ngunit palakasan na ang suporta ng bawat kupunan.

"People are so hooked up on you two. You should share it with me sometime," biro ng Singaporean nilang teammate.

"You can have them if you want to, Craig." Nag-bro fist si Sander kay Craig bago nilapag ang bag nila sa bench.

"We're here to win the tournament and score some girls," dagdag pa ni Sebastian na tinatanggal ang suot na jacket.

Sunod-sunod din ang pagkuha ng mga litrato sa mga manlalaro. May mga scouts din na binabantayan ang progreso ng bawat manlalaro upang makita kung sino ang may potensyal na maging bahagi ng national team.

Nagsimula na ang first quarter ng laban ng Mei Young University at Lah Fhang Institute. Maraming tilian at sigawan sa bawat kupunan. Ilang beses na pinagpapasahan nina Sander at Sebastian ang bola at naka-shoot ilang beses ng kapwa three points. At sa tuwing nagagawa nila ito, malakas ang hiyawan ng mga manonood.

There was a massive ride of thrill and anticipation with everyone in the audience until they heard the referee's whistle. Tapos na ang first quarter at pawisan na ang mga manlalaro dahil sa higpit ng kumpitensya. May 36 points kaagad ang MYU samantalang 12 pa lamang sa LFI.

"Listen, boys, here's the next game plan and I want you all to focus," pinakita ng manager nila ang game plan nila para sa sunod na quarter at nagtanguan ang mga manlalaro. Bukod sa mga manonood, maraming photographers, sports analysts, at scouts din sa paligid.

Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay may kakaibang nararamdaman na si Sander. Biglang nanlalabo ang kanyang paningin at halos wala na siyang maintindihan sa mga sinasabi ng manager nila o maging ang ingay ng paligid. Both his eyes and ears were blurry and ringing. He was losing his senses.

'Shit! Not now...' biglang napahawak si Sander sa kanyang sentido.

Napansin si Sebastian ay biglang pagatras ng kapatid kaya't napatayo siya nang ayos habang nagpupunas ng pawis.

"Ayos ka lang ba?" may halong pag-aalala at pagtataka sa kanyang tanong.

Tumingin si Sander sa kapatid at hindi niya nagustuhan iyon. Kung si Sebastian na may topak niyang kapatid ay ganoong ekspresyon ng pag-aalala ang ipapakita sa kanya, paano pa kaya ang iba niyang mga kapatid? Higit lalo, paano pa kung ang mga magulang nila? He knows it would wreck both their father and mother... especially their mother who has gone through miscarriage, losing their older sister already. Baka hindi niya makakayanan ang magiging pag-aalala ng pamilya niya.

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon