Chapter 57: Oasis

2.6K 101 18
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 57


OASIS


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


Seryosong nakatingin si Sebastian sa laptop nito habang kandong si Knight na umiidlip sa kanyang bisig. Mahigpit ang hawak ng bata sa kanyang feeding bottle na may laman pa ring gatas. Nasa sofa naman si Rose na natutulog kasama ang mga kinulayang papel nila ni Knight. Kapwa napagod ang mga bata sa paglalaro sa opisina ng kanilang mommy.


Nagmukhang isang palaruan ang opisina ni Chess na pansamantalang ginawa rin ni Sebastian na kanyang opisina.


Kanina ay si Sebastian ang umaatend ng mga meeting bilang bagong Board member at ngayon naman ay si Chess ang nasa mga video conference meetings sa mga managers na nasa Espanya.


Tahimik ang paligid habang pinag-aaralan ni Sebastian ang sign language. Gusto n'yang matuto upang mas makilala ang anak. Gusto n'yang makapasok sa mundo ni Knight at maiparamdam sa anak kung gaano ito kaimportante sa kanya.


Kaagad nagpahanap si Sebastian ng online tutorials ng sign language upang kapag wala s'ya sa meeting ay iyon ang maaatupag n'ya.


Hindi n'ya itatanggi na kumplikado iyon. Marahil dahil sa nabiyayaan s'ya ng boses at pandinig ay hindi pumasok sa isipan n'ya na kakailanganin ang pag-aaral ng sign language. Hindi naman din kasi ito itinuro noong nasa Singapore pa s'ya nag-aaral o kahit noong nasa military service s'ya. May alam man s'ya ay napaka-basic lamang na sign language.


Biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone senyales na may dumating na mensahe. Itinigil n'ya ang video at inabot ang cellphone habang sinisigurado na hindi maaabala ang pagtulog ng anak.


'I heard you took over the Imperials. What happened?'

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now