Chapter 62: Honesty

2.6K 94 15
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 62


HONESTY


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


It's been a week since they had dinner at the Fuentes mansion. Nasasanay na rin si Chess na kasama sa iisang bubong si Sebastian at ang mga bata.


Kung dati ay si Knight lamang ang kanyang kailangang intindihin, ngayon ay pati sina Rose at Christian din. And she loves it. Kahit gaano ka-stressful ang kanyang araw mula sa trabaho ay napapawi agad ng ka-sweetan ng mga bata. She was undeniably a mother.


Samantalang, hindi n'ya kasabay si Sebastian umuwi hindi gaya ng nakaraan na sabay na sila kaya hindi nakakatakas sa kanila ang mapanuri at mainggiting mga tingin ng mga empleyado at Board members doon.


Nagsabi si Sebastian na magkikita sila ng mga kaibigan at kasosyo sa kumpanya. Hindi tumanggi si Chess dahil sa laki rin ng naitulong ni Sebastian para sa Imperials. Halos doon na nga ito mamalagi kahit na may sarili itong kumpanyang pinamumunuan. Sa maikling panahon, napakaraming bagay ang naayos sa kumpanya.


Dumating si Sebastian na malakas ang tugtog sa club at marami ang nagsasayawan sa entablado. Madali n'yang nakita ang mesa ng kanyang mga kaibigan at kasalukuyang kasosyo sa ilang proyekto ng FGC.


Hard drinks were laid on the table and some women flaunting their skins to his friends. Nang umupo siya ay agad s'yang inalok ng isang waitress ng alak na kanya namang tinanggap.


Hindi itatanggi ni Sebastian na nakakaakit ang mga sumasayaw sa kanyang harapan pero hindi iyon ang kanyang gustong makita. They weren't attractive enough for him to call them beautiful.


Hindi rin naman s'ya pumunta doon para manood ng lantarang landian sa entablado. Pumunta lamang s'ya upang wala nang masabi pa ang kanyang mga kaibigan na hindi s'ya nakikisama sa mga ito. Ilang beses na rin kasi niyang tinanggihan ang biglaan nilang imbitasyon para makauwi kaagad.


"Uuwi na ako, guys," anunsyo ni Sebastian sa mga kasama. Isang oras pa lamang ang nakakalipas ngunit heto s'ya at gusto nang umuwi.

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon