Chapter 14: Championship

2.6K 81 5
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡


CHAPTER 14


CHAMPIONSHIP


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡


"Don't forget the gameplay, team. We're here to win this tournament!"


"Yes, coach!"


Yumukom ang mga palad ni Sander. Kinakailangan n'yang manalo upang masiguradong lalabas si Chess kasama s'ya. Gusto n'yang itulak ang plano upang mapatunayan kung gaano s'ya kaseryoso sa dalaga... bago pa lumala ang kondisyon n'ya.


Tinapik ni Sebastian ang balikat ng kapatid at napalingon s'ya. "Ayos ka lang ba?"


Tumango si Sander. "Yeah," at saka uminom ng tubig mula sa water bottle nito.


Habang patuloy ang pagpapaalala ng coach nila sa estratehiya ng kupunan nila, tumingin sa kupon ng manonood si Sander at hinanap ang dalaga. Hindi naman s'ya nahirapan dahil suot pa rin nito ang sumbrero nito kahit na nasa loob ng gym. Her innocent beauty stood out from the crowd in his eyes. Naka-puting t-shirt ito at katabi ang kaibigan na si Imelda na naka-berde. Napapalibutan sila ng mga tagasuporta ng kupunan nila na naka-suot ng mga merchandise ng mga manlalaro.


Mukhang busy ito sa pag-uusap nila ni Imelda ngunit ilang saglit pa ay lumingon ito sa direksyon n'ya. Batid ang gulat sa mga mata ni Chess dahil sa nangyari.


Hindi napansin ni Sander na napangiti na s'ya sa pagtatagpo ng kanilang mga mata. Her cheeks suddenly heated up like a microwave. He gave her a smile. Parang na-energized ang pakiramdam ni Sander ngayon na alam n'ya kung saan nakapwesto si Chess. Kailanman kasi ay hindi ito bumili ng mas malapit sa court na ticket kaya't hindi n'ya nakikita. Pero ngayon... mukhang mas mabilis n'yang nahanap ang dalaga.


Natapos ang pagpupulong ng mga team at nagpuntahan na sa gitna ng court nang tawagin na ng referee na may bitbit ng bola.

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now