Chapter 35: Mysterious

2.2K 80 4
                                    

HAPPY NEW YEAR!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HAPPY NEW YEAR!

DON'T FORGET 'YUNG REQUEST KO SA LAST CHAPTER! THANK YOU!

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 35


MYSTERIOUS


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


Nag-iinat na bumangon si Sander mula sa pagkakahiga sa sofa. Kakatapos lamang n'yang tawagan si Chess na nagpapahinga rin sa Singapore. Kinumusta rin kasi ni Sander ang kondisyon ng dalaga kung matindi pa rin nag morning sickness nito.


Pagkatapos nilang mag-usap ay nakaramdam na muli ng antok si Sander. Mas mainam na umakyat na muna s'ya sa kanayang silid at doon magpahinga.


"Sammy," pagtawag ni Sander sa kapatid pagkagaling nito mula sa kusina.


"Bakit, pangit?" Tanong ng dalaga na patungo naman sa silid nito.


"Nakabalik na ba si kuya?"


"Hindi pa," iling nito. "Stressed na nga si ate Rev kaya sa kanila muna ako tutulog mamaya."


Matapos kasi ng binyagan ay umalis si Ysiquel at hindi pa bumabalik. Nagkaroon din ng away sina Ysiquel at Rev at hindi tumalab ang pagsasanib pwersa nina Sebstian, Sander, at Samara upang magkabati ang mag-asawa. Masyadong ma-pride din kasi ang kanilang kuya.


"Ahhh. Okay. Aalis na kasi kami ni Seb bukas."


"What? Ang bilis naman, Sen."


"Ganoon talaga. Maraming nalulungkot kapag 'di nasisilayan ang kagwapuhan ko," biro nito.


"Sus, ang yabang talaga. Wala ka pa sa kalingkingan nina daddy at kuya!" Bawi ng dalaga.


"Oo na. Alam ko naman na masyado mo lang akong na-miss, •Sammy."


"Grabe, Sen. Akala ko si Seb lang ang may dala ng ganyang kataas na yabang. Nahawaan ka na siguro ni Seb?"

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now