Chapter 37: Hurt and Broken

2.4K 86 19
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 37


HURT AND BROKEN


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


TAHIMIK lamang si Sebastian sa pagtupa ng laptop sa mesa. Walang tigil ang pagpindot nito sa keyboard dahil sa nalalapit nitong pagpapasa ng kanyang research paper.


Wala man s'ya sa kampo upang tapusin ang kanyang military service ay kailangan n'ya naman na gamitin ng ayos ang kanyang oras. Kasalukuyang nagbabantay s'ya sa ospital kasama si Chess. Being in that room became a norm. It became a regular day for them being stuck in the hospital.


Iba na ang lagay ni Sander. Matindi na ang pamamayat nito at madalas ay likido na lamang ang tinatanggap na nutrisyon ng kanyang katawan. Bagsak na ang timbang nito at malayong-malayo na sa hitsura ng maliksing Sander noon.


Kung si Sebastian ay namuti dahil hindi na nakabilad sa arawan 'di gaya noong nasa kampo ito, si Sander naman ay mas naging maputla. Maging ang labi at balat n'ya maputla at nanunuyo.


Ngayon ay hindi na s'ya binigyan ng tsansa ng kanyang doctor upang sa bahay na magpahinga bagkus ay wala na s'yang magawa kung hindi ang manatili sa ospital upang laging masubaybayan.


Ilang beses na nakiusap si Sander na umuwi na sila ngunit hindi na s'ya pinahintulutan. Lumalaki na ang tumor sa ulo ni Sander at mas napapadalas ang pag-atake ng KLS n'ya. Ang pinakamalala pa nito ay noong nagkaroon s'ya ng seizure. At kung wala ito sa ospital noong mga oras na 'yon ay maaaring ikinamatay na ito ng binata.


All of them were undeniably scared. To see Sander in such a state was heart-wrenching. Walang magawa ang yaman nila para maisalba ang anak nila sa kamatayan.


Durog na durog ang puso ni Belle lalo na kapag nakikita n'yang umiiyak si Sander dahil sa sakit ng ulo at katawan n'ya. And whenever he would wake up from his KLS episodes, he was in a terrible disorientated state. Mukha talagang natutulog lamang si Sander ng ilang araw pero alam nilang inaatake na ito ng KLS n'ya. Hindi man kasing haba kagaya noon, nakakatakot pa rin.

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now