Chapter 30: Discovery

2.4K 79 10
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 30


DISCOVERY


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


Nag-iinat na bumangon si Sebastian mula sa bunkbed nito. Natutulog pa ang kanyang mga kabaro. Sinilip nito ang relos at alas cuatro na ng umaga. Maya-maya ay magbabangunan na ang lahat sa pagtunog ng siren sa kampo.


Pinili na n'yang bumangon at mag-jogging upang gisingin ang sarili. It's not every day that he would have extra time for himself.


Kinuha n'ya ang jacket at jogging pants at tahimik na lumabas upang hindi magising ang lima na kasama n'ya sa kuwarto. Sampung minuto lang naman ang kinakailangan n'ya dahil sa tatakbo silang muli mamaya.


Madilim man ang paligid ay sapat naman ang mga ilaw sa daan upang makita n'ya ang tinatahak. Mag-lilimang buwan na rin siya sa kampo at nasanay na sa ganitong set-up - gigising pagpatak ng alas cuatro y media ng umaga at kailangang bihis na sa loob ng limang minuto. Magjo-jogging rin ang buong kampo nila patungo sa cafeteria kung saan makakasama ang iba pa na kadete mula sa ibamg dormitoryo.


At sa limang buwan na 'yon, isang beses pa lamang sila nagkitang dalawa. Iyon ay noon kinailangan nilang umuwi para sa FGC Annual White Ball. Espesyal kasi 'yon sa kanilang pamilya lalo na dahil ipinakilala na ni Ysiquel sa mundo ang kanyang asawa at inanunsyo ang nalalapit nitong panganganak.


Ngunit matapos niyon ay bumalik rin sila kaagad sa Singapore na hindi sinasabi ang kalagayan ni Sander. Nagmakaawa sa kanila ni Ysiquel ang binata na ayaw nitong sirain ang selebrasyon at pumayag rin sila.


The rest just kept thinking na gustong-gusto n'yang matulog sa halip na malaman na masama ang kanyang pakiramdam. Naging isang palabas ang pag-uwi nila sa Pilipinas. Sander acted well to shadow his true condition.


But that didn't take long. Kinailangam na nilang umuwi sa Singapore. At ma noon ay hindi pa sila nagkakatawagan pero paminsan-minsan ay nagkaka-text upang magkumustahan.


Sebastian has been dedicated and focused on their training regime. It helped his mind remove any unnecessary thoughts... All of it.

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now