Chapter 58: Trust

2.5K 101 8
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 58


TRUST


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


"Sino s'ya?" Gulat na gulat na tanong ni Chess nang makita ang batang karga ni Sebastian. Ubod ng puti at cute ng batang lalaki kait na may suot itong sumbrero. Tinititigan rin ni Christian bago lumingon kay Sebastian dahil hindi rin kumportable ang bata sa tingin na ibinibigay ng babae sa kanya.


"He is Christian Oasis," pagpapakilala ni Sebastian sa tahimik na bata.


"Christian... A-anak mo ba s'ya?"


Ibinaba ni Sebastian ang bata at inayos ang sumbrero nito. "Go play with them," sabay turo kina Rose at Knight na naka-upo sa couch habang naglalaro ng lego. Pinanood nila ang bata na lumapit sa kanilang mga anak. "No. He's not mine," napalingon pabalik si Chess sa binata.


"Kung hindi sa'yo, kanino? Unless you've kidnapped him?" Batid ni Sebastian ang kaguluhan sa mukha ng dalaga.


"Kidnapped? Grabe kang mag-isip. Calm down, Chess."


"Calm down? Nagbibiro ka ba? Sinong magiging kalmado kung babalik ka dito na may bata? Halos dalawang oras ka lang nawala at pagbalik mo may kasama ka?"


"Listen to me, anak s'ya ni Sander," pag-amin ni Sebastian.


Natigilan si Chess sa narinig. "A-ano? Kay Sander? Pero... paano?" Hindi mapigilan ni Chess ang mautal dahil sa pagkagulat. Napahawak pa ito sa upuan.


"Ha? Anong paano? Edi kung paano rin natin ginawa ang mga anak natin."

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now