Chapter 64: Never Let Go

3K 94 12
                                    

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 64


NEVER LET GO


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


Masayang pinapakita ni Knight ang mga litrato n'ya noong baby pa s'ya kay Sebastian. Doon mas nakita ni Sebastian kung gaano maaruga si Chess. Napatawa pa ang mag-ama dahil may litrato pa si Knight na tumatakbo na hubo. Pilit itong tinatakpan ng bata habang bumubungisngis. Kinikiliti naman ni Sebastian ang anak dahil dito.


Nagkaka-usap rin sila gamit ang sign language. Marami pang pinag-aaralan si Sebastian pero ganoon din si Knight. Sabay silang nag-aaral ng pagsenyales sa bawat salita. At madaling natututo ang mag-ama.


Dahil kay Knight, mas na-appreciate ni Sebastian ang pagkakaroon n'ya ng abilidad na makapagsalita at makarinig ng maayos. He respects them even before, but it's different having a loved one in that situation. Hindi n'ya lubos maisip na darating ang araw na seryoso n'yang pag-aaralan ang sign language para sa anak.


Katabi naman nila si Christian na nagbabasa ng encyclopedia. Nakikitaan kaagad ni Sebastian ang bata ng hilig sa pagbabasa ng mga aklat. Sa tuwing itatanong ni Sebastian kung may gusto ito, libro lamang ang hinihiling n'ya na ibinibigay naman nila.


Sino ba s'ya upang itanggi sa pamangkin ang gusto nito? At isa pa, ganoon rin si Sander noong nabubuhay pa ito. Madami itong koleksyon na libro at kung hindi sila nagba-basketbol ay nakakulong ito sa sariling silid at nagbabasa.


Pero naisip rin ni Sebastian kung totoo nga bang hilig nitong magbasa o dahil ito sa KLS n'ya at ginagawang dahilan ang pagbabasa para pagtakpan ang kanyang kundisyon. There was no way for him to confirm.


Sa kanilang pagtitingin ay nagulat s'ya sa isang litrato. Tinitigan pa n'ya ito ng husto upang makasigurado.


Litrato iyon ni Knight kasama si Chess at ang isang lalaki. Matangkad ang lalaki at alam n'yang pamilyar ito. Naka-suit ito at malawak ang ngiti habang naka-akbay kina Chess at Knight.


Bumaling si Sebastian sa anak. 'Who is he?' Tanong niya.


FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now