Chapter 36: Indulgence

2K 77 1
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥ 


CHAPTER 36


INDULGENCE


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


DALAWANG BUWAN na ang nakakalipas magmula nang bumalik si Sebastian at kumuha ng indefinite leave sa kanyang military service para masamahan ang kapatid at ang buntis nitong kasintahan. Madalas rin doon sina Belle at Kyle dahil sa kanilang nalaman.

Everyone thought that Sander was improving. Rather, everyone was praying and hoping that he was getting better.

They were wrong.

Umasa sila at mukhang bigo na ang kanilang kahilingan sa paggaling ng binata.

Kaharap sina Belle, Kyle, Sebastian, at Chess, ibinigay na ng doktor ang huling pahayag na mataas na tsansa na hindi na magtatagal sa mundo ang binata. Inabisuhan na sina Sebastian na maaaring apat na buwan na lamang ang itagal nito sa mundo at hindi pa nila ito sinasabi kay Sander.

Belle was devastated and cried her heart out. Niyakap lamang s'ya ni Kyle ng sobrang higpit nang malaman ang balitang iyon. Walang magulang ang nangarap na marinig na ang anak nila na mawala sa mundo... na kakaunti na lamang ang oras ni Sander.

Wala silang magawa.

Walang magawa ang yaman nila upang maisalba ang buhay ng binata.

Nang malaman rin ito ni Chess, nanlambot s'ya at halos matumba. Laking pasasalamat na rin nila na katabi nito si Sebastian na inalalayan s'ya upang masiguradong hindi ito matutumba.

Halos walong buwan na ang kanyang pagbubuntis kaya't hindi nakakatulong na masyado na s'yang naii-stress sa nangyayari.

Inalo ni Sebastian ang dalaga nang mga oras na iyon at hindi na tumanggi pa ang dalaga. She was breaking down and stressing out.

Ayaw n'yang ma-stress dahil sa baby n'ya pero hindi iyon maalis sa kanya. Parang kahit anong gawin ni Chess ay laging pumapasok sa isipan n'ya ang kalagayan ni Sander at nadudurog ang kanyang puso.

Gusto mang manatili nina Belle at Kyle ay kinailangan rin nilang puntahan si Eman at Crystal sa States dahil sa maging ang bunso nila ay pinanghihinaan ng loob dahil sa may sakit ang kasintahan nito.

Mas madali sana kung nasa iisang bansa at ospital sila ngunit hindi na kaya pa ng mga pasyente.

Masyadong mahina na ang katawan ni Sebastian upang magbiyahe at maaaring hindi kayanin ng katawan ang lamig sa States. Sinubukan nila ngunit nagkaroon ng seizure ang binata sa biyahe patungo sa airport kaya hindi na ito pinayuhan pang umalis ng Singapore.

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now