Chapter 28: Infinite

2.2K 72 7
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


CHAPTER 28


INFINITE


♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥


"You can be discharged, for now, Sander. But know and always remind yourself of the restrictions," paalala ng doktor sabay abot ng mga bago nitong reseta.


"Yes, doc. Thanks." Kinuha ni Sander ang reseta sa doktor.


Isang araw pa lamang ang nakakalipas at naki-usap na si Sander na makalabas na ng ospital. Natapos na ang mga eksaminasyon sa kanya noon isang araw at nailabas na rin ang mga resulta.


"And you, missy," pagturo nito kay Chess na naka-upo sa tabi n'ya. "Make sure he does not skip his medication."


"Yes, doc," nahihiyang sagot ni Chess. Hinawakan ni Sander ang kamay ng dalaga at inilingkis sa kanya. Sinagot s'ya ni Chess ng isang matamis na ngiti at hinigpitan ang hawak sa kamay ng binata.


Behind them stood Sebastian who remained silent. Tahimik na nakikinig at nagmamasid sa bawat kilos nina Sander at Chess. Inggit at selos ang bumabalot sa kanyang puso ngunit pilit itong tinatalo ng kanyang isip -- para kay Sander -- patuloy n'yang inuulit sa isipan.


Kung walang sakit ang kapatid, paniguradong makikipagkumpitensya siya upang makuha ang puso ng dalaga. He knows he could win her heart with the past confessions... Ngunit iba ang sitwasyon ngayon. Hindi n'ya magagawa iyon sa kakambal. He can't take away what makes Sander happy and what pushes him to fight to live.


"Well, that's all I really have to say. Don't forget to give me a ring if something happens."


"Duly noted, doc." Tumingin si Sander kay Chess at kay Sebastian. "Let's go?"

FNGT 3: Two Hearts and One Game [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now