Chapter 24 Last Part

80.4K 1.1K 93
                                    

"Here's our very goodlooking couple - Rohan and Diadem," the emcee acknowledged them. "What a dashing man and a very beautiful woman! This is like a match made in heaven. Bagay na bagay sila, 'di ba, guys?" baling nito sa audience.

The people responded with a warm cheer. Maliban sa kanila ni Jace. His fist was tightly clasped in a ball, his breathing harsh and rough.

And then, the audience started to chant "Kiss! Kiss! Kiss!"

"Kiss na agad?" tila excited na wika ng baklang emcee. "Pero like ko 'yan." Hinarap nito ang magkasintahan. "Rohan and Diadem, please inspire all of us tonight here. Pa-buena mano muna ng kiss para mas lalong magiging puno nang pagmamahalan ang inyong relasyon." Naghiyawan na naman ang mga tao sa paligid na tila kinikilig. And when Rohan smacked a kiss on Diadem's cheek, he stood up in reflex. Shit! He felt as if he was shot. Pinandiliman yata siya ng paningin.

"Vince!" si Jace na hinawakan siya sa braso. She looked so worried. "Just calm down. You look as if you want to kill someone."

True enough, he wanted to kill Rohan at that very moment. One more kiss and he would rush on the stage and hit his bastard of a friend! He tried to pacify himself. Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Excuse me, Jace," aniya maya-maya. "Pupunta lang ako sa comfort room."

He had to stay the hell out of here. Baka mamaya ay hindi na niya makontrol ang kanyang sarili at magkagulo pa. He went to the comfort room. Ilang beses siyang napamura nang makapasok sa loob. He even hit one of the cubicles. Shit! This was indeed a nightmare! He was pacing inside the comfort room like a mad man. He couldn't explain what he felt. Basta galit siya. Galit na galit!

Buti na lamang at hindi na niya naririnig ang mga walang kuwentang bagay na nangyayari sa party sa loob ng comfort room. Even if, it didn't help him calm his paranoid mind. Kung anu-anong mga walang kuwentang bagay ang pumapasok sa kanyang isipan. Rohan and Diadem... Fuck! Miserableng napasuklay siya sa buhok. Hindi siya lalabas hangga't hindi natatapos ang kung anong kakornihang nangyayari sa engagement party na iyon. He loathed it so much!

The Man Of Her Dreams (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon