Chapter 1

266K 2.3K 117
                                    

Mula sa floor to ceiling glass windows ng kanyang pent house unit sa isa sa pinakamataas na building sa buong Metro Manila, tinanaw ni Diadem ang makukulay na ilaw ng siyudad sa gabi. 

Metro Manila’s dazzling skyline filled her restless eyes for minutes. Nilagok niya ang hawak na kopita ng alak nang makaramdam nang pagkabagot.

Sa mataas na kinalalagyan niya ay damang-dama niya ang lakas ng kanyang kapangyarihan. The pent house unit of her own building served as her second abode. It was a modern and luxuriously spacious pad for a woman who was always on the go, and a pride of a shrewd businessman who had amassed massive wealth since her parents’ death ten years ago.

She felt her heart squirm in sadness as memories of her dying mother filled her mind. 

Halos magmakaawa siya noon sa ina na huwag siyang iiwan at wala siyang makakasama sa buhay ngunit hindi siya nito pinagbigyan. Her mother was too consumed of her lament over her father’s death. Ang ama niyang namatay sa isang aksidente habang kasama ang ibang babae as they tried to run away. Her muscles tensed with the thought. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kopita.

Awang-awa siya sa kanyang ina na iniwan na nga ng asawa para sa ibang babae pero minahal pa rin nang todong-todo ang kanyang ama. Surely, her father didn’t deserve her mother’s unconditional love. 

Cecilia Elizalde loved her husband so much that when Roberto died, she lost the zest to continue living with the mortals and had always wanted to follow her husband from wherever realm he was with after his death. Cecilia suffered from great depression and anorexia until she contracted a deadly disease that endangered her health.

She hated her father the moment she discovered about his illicit affair with another woman and hated him more when her mother died. She was orphaned at the age of nineteen. Simula noon ay namuhay siya kasama ng mga yaya at tagataguyod.

She lived alone and lonely. If it was a consolation that her parents left her huge wealth to spend to whatever she wanted, her money did not do a thing to ease her pain and longing. But she had to continue living so she could protect her family’s legacy – ang Global Oil Company, the largest oil company in the country, lalo pa nang malaman niyang interesado ang mistress ng ama sa kayamanan nila.

Hinding-hindi siya papayag na magkaroon ng anumang parte sa kayamanan nila ang oportunistang kabit ng ama lalo pa at ang Global Oil Company ay minana pa ng ina mula sa mga ninuno nito. Kung tutuusin ay isa lamang na hamak na empleyado ang kanyang ama na nagustuhan ng ina at minahal nang todo-todo. Hindi naging CEO ng GOC si Roberto kung hindi dahil kay Cecilia. Her mother did not only give her father unconditional love but riches, too. Pero hindi iyon pinahalagahan ni Roberto at nagawa pang ipagpalit ang ina niya sa ibang babae! Sa ibang babae na mas matanda pa ng ilang taon sa kanyang ina! 

She was really surprised. Ang akala niya ay nahalina ng isang maganda at batam-batang babae ang kanyang ama. But Winona, though still beautiful despite her age, was even older than her mother. Hindi niya lubos maisip kung bakit nagawa silang ipagpalit ng ama sa babaeng iyon!

Pagkatapos niyang magtapos sa college sa kursong Business Administration, kaagad na pinamahalaan niya ang pagpapatakbo sa GOC. Likas siyang matalino at katunayan ay nagtapos siyang Cum Laude sa Ateneo de Manila University.

Kung iniisip ni Winona na isa lamang siyang batang ulila, puwes patutunayan niya sa oportunistang iyon na may utak siya at hindi siya maloloko ninuman.

She pooled her own competent and loyal human resources - mula sa executives ng kumpanya, hanggang sa accountants at company lawyers.

She kicked Winona out of her way. Katunayan ay nagawa pa niya itong ipakulong. Ginamit niya ang pera niya upang pahirapan ang babae.

The Man Of Her Dreams (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon