Chapter 19 continuation...

93.2K 954 100
                                    

Hindi na nagtanong pa si Rohan at sumunod na lamang sa kanya. And she was thankful. She pulled him to the elevator. 

Walang laman ang lift nang bumukas iyon. 

Unti-unti nang humuhupa ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. And when they were already inside the elevator and she was done pushing the ground floor button, her stomach stopped lurching. 

Nanlalatang napasandig siya sa bakal na dingding.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.

Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Of course, she wasn't okay! Surely not after that encounter with Vince. She looked at Rohan with her lost expression.

"Diadem..." he whispered softly as he gazed at her, his eyes tender. "What's wrong?" Hinarap siya nito. Hinawakan nito ang kanyang kamay.

And all the turmoils in her heart exploded. She threw her arms around Rohan, her tearducts brimming with unabashed tears. 

Sa loob ng mga araw ay kinimkim niya sa kanyang sarili ang mga damdaming nagpapahirap sa kanya. Wala siyang mapagsabihan niyon. Her relationship with people was limited to either work or business matters. 

Dahil sa loob ng sampung taon ay wala na yata siyang inatupag kundi ang pagpapalago sa kumpanyang ipinangako niya sa puntod ng kanyang ina na aalagaan niya. 

And here comes Rohan. Hindi niya alam pero magaan ang loob niya sa lalaki. Ito ang kauna-unahang taong napagsabihan niya ng isang personal na bagay sa nakalipas na mga taon. He seemed sympathetic, someone who understood her situation. 

And she really needed to have someone to vent out her frustrations in life.

"Hey!" His comforting arms draped around her. He ran his hand on her back to soothe her anguish. Pero hinayaan lamang siya nitong umiyak. "Si Vince ba ang may kagagawan nito?" he seriously asked after some time.

Mas lalong bumukal ang luha niya sa narinig. She pressed her face on his chest. Pero maya-maya ay itinaas niya ang ulo nang mapansing nabasa niya ang suot nitong damit.

Bumukas ang dahon ng pintuan ng elevator.

"Here, take this..." Rohan offered her his hanky.

Tinanggap niya ang panyo nito at nagpahid ng luha. Hinamig niya ang sarili habang inaakay ng lalaki palabas ng elevator.

"Where are we going?" Tanong niya nang mapansing palabas na sila sa matayog na gusali kung saan naka-base ang corporate office ng GOC - ang The Elizalde Tower. And yes, she owned the building. It was her legacy.

Naipatayo niya ang gusaling iyon tatlong taon pa lamang ang nakalilipas. A magnificent forty storey skyscraper encased with glass and steel. 

Since then, it housed the corporate office of Global Oil and other subsidiaries. The building also caters to other companies such as callcenters, banks and other private offices.

She had bodyguards before she went to Temptress Hotel. And they go wherever she goes. But she hadn't let them get back to work yet. 

Parang ayaw na rin niyang palaging may nakabuntot sa kanya. The one who was back on duty was her personal driver.

"Kung saan tayo makakapag-usap nang maayos," si Rohan na sandali siyang tinapunan ng pansin.

She knew that her eyes were puffy now. Ano na lang ang iisipin ng mga guwardiya ng building niya kapag nakita siyang umiiyak? They were already in the lobby.

"Here, wear this..."

She breathed a sigh of relief when she saw the dark aviator shades that Rohan handed to her. "Thanks!" pagpapasalamat niya. Tinanggap niya ang shades at isinuot. Then, she let him guide her to where they were heading at. Kahit saan basta malayo kay Vince.

The Man Of Her Dreams (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon