Sunken Ships

412 11 2
                                    


Sunken Ships

It was a fine day; finally a day off from the council— from work. Something they all crave for. A day exclusive for family and themselves.

And so, the guys went out to do Moon Goddess knows what.

And the girls decided to gather up over the Sinclaire manor for a "girls' day out" as they put it.

They rarely get to spend time together because of work. Problema pa ang ilang mga rogue vampires sa Hangrove, na hindi nila alam saan galing.

Although there was no threat of an upcoming war, syempre hindi mapapanatag ang council. And to say na magla-lie low sila dahil wala naman threat sa paligid, is a big no-no.

"What do we have for lunch, Mrs. Heath?" natatawang tanong ni Adri pagkapasok sa kitchen.

She, Gray and Riri just got back from a quick shopping trip to the market. Nag overnight na ang dalawa pati ang mga asawa sa manor, para sila Vera nalang ang hihintayin.

Wala ang mga bata dahil may pasok kaya solo nila ang kabahayan.

"Steak?" patanong na sagot ni Carly. "Kayo ba, what do you want for lunch?"

"I'd like to have pasta." Riri answered. Isa-isa nitong nilalabas ang mga pinamili sa market. "Adri and I bought noodles."

"Basta pagkain." sagot lang ni Gray.

"Parang nagki-crave ako ng lasagna tsaka macaroons." naka-pout na sabi ni Adri. "Or something sweet, mygosh!"

Sabay tumungin sa direksyon ni Adri ang tatlo. Bago tumingin sa isa't isa na may mapaghinalang tingin.

"Adri," tawag ni Carly sa kaibigan na busy sumilip sa loob ng ref. "Kayo ba ni Senri... active?"

Nilingon siya ni Adri na may malalim na kunot ng noo. "Active? In what context exactly?"

"You know what I mean." Carly rolled her eyes.

Adri frowned.

Bago pa makasagot si Carly, sumingit na si Riri. "We just asked kasi para kang naglilihi." ani nito. "May plano pa kayong sundan si Blake?"

Namula yata pati hinliliit sa kamay ni Adri sa tanong nila ni Riri. Kung posibleng mamula pati ang dulo ng buhok niya o kahit split ends, baka namula na rin.

"Grabe sa pamumula ang mukha, Adrianna, ha?" panunukso ni Gray.

"Of course not!" depensa nito. "Wala pa sa plano 'yun."

"Ah. Pa." nakangising sabi ni Carly. "So may plano nga?"

"Wa—!"

Bago pa matapos ni Adri ang protesta may portal na bumukas sa may intrada ng kitchen at lumabas ang tatlo pa nilang bisita for the day: si Vera, Erised at Celeste.

"Hi guys!" Vera almost squealed and marched inside the kitchen. "Long time no see!"

"Guess we're seriously having this—" nag-air quote pa si Celeste sa sinabi. "Girls' day out."

"What did we miss?" Erised piped in, she came out last from the portal tas kusang sumara iyon. "We heard Adri half yelling or something."

"Wala 'yun." sagot agad ni Adri. "Ano raw gusto niyo for lunch? Magluluto si Carly!" anunsyo niya.

"Light meal lang siguro?" Erised said.

"Pasta lang sa'min." Vera answered in a sing-song voice.

"Ayan, Cars, may sagot na." nakangiting sabi ni Carly. "Magluto ka na. Gutom na kami." dagdag nito bago nagpatiuna palabas ng kusina. "Let's leave the kitchen in Carly's good hands, shall we?"

Against All Odds (SA Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon