EPILOGUE

23.5K 586 66
                                    

MALAKAS ang ulan.

Kaya nakukulong kami ngayon dito sa loob ng bahay. Dapat maynpupuntahan kami ng asawa ko kasama ang mga anak namin.

Kaso dahil sa malakas ang ulan dito lang kami ngayon sa loob ng bahay.

"Ang boring mama"reklamo ni Thea.

She's six years old already. Ang bilis ng panahon, si Vince naman eleven na at ang bunso namin si Thomas naman ay five na. Hindi na namin pa sinundan ang bunso namin.

Naging maselan kasi ang huling pagbubuntis ni Vina. Almost nine montha na duration ng pagbubuntis niya bed rest siya. Konting galaw niya duduguin siya kaya napagdesisyunan naming dalawa na huli na si Thomas.

"Boring kasi wala naman kayong ginagawa kundi panoorin ang ulan. Boring talaga iyon"sagot naman ni Vina sa dalaginding namin.

Nilapitan ko anh tatlo naming anak na nakatanghod lang sa binta ng bahay namin.

"Come on mga kids. Lambingin nalang natin si mama na magluto ng sopas"bulong ko sa mga ito.

Agad naman silang nabuhayan ng sigla at parang mga kiti-kiti na tumakbo palapit sa nanay nila.

"Mama sopas na lang po tayo"lambing ni Thea.

"Luto ka po mama"lambing din ni Thomas.

Si Vince naman nakayakap lang sa likod ng ina habang hinahayaan na ang mga kapatid na maglambing sa nanay niya.

Ako naman lumapit sa tagiliran ni Vina at naglambing din sa kanya.

"Love, malamig ng panahon ngayon"bulong ko sa kanya.

Nanlaki ang mata na nilingon naman ako ni Vina.

"Anong drama niyo mga pipol?"malakas na sigaw ni Vanessa.

Napaangal naman ako ng makitang kompleto ang barkada. Anong meron at nandito sila sa pamamahay ko samantalang ang lakas-lakas ng ulan sa labas.

"Luluto po si mama ng sopas"nakangiting sagot ni Thea sa tita nila.

Tumakbo naman ang mga bata para salubungin ang mga bagong dating para magmano.

"Sakto, nagugutom ako"sabi naman ni Kurt.

"Patay gutom ka naman kasi"kantiyaw ni Mariel dito.

"Paano hindi naman marunong magluto ang kasama ko sa bahay"ganting kantiyaw ni Kurt sa kapatid ko.

Nakatanga nalang kaming mag-asawa habang nakatitig sa mga bagobg dating. Ang mga anak namin nag-eenjoy na pinapanood ang mga kaibigan at Tita nila.

"Naku beshie hindi ka marunong magcook. Go ka sa house namin teach kita"maarteng singit naman ni Vanessa sa pagtatalo nila Kurt at Mariel.

"Tumigil ka nga, kung makaalok ka na magtuturo ng pagluluto magaling kang magluto"saway naman ni Huge dito.

"Hoy ikaw Lake...wag ka nga sarap na sarap ka nga sakin...este sa luto ko"nakanguso na sagot ni Vanessa dito.

Wala talagang pinagbago ang mga ito. Ang iingay pa din kahit ang tatanda na.

"Hey, kain na tayo. Gutom na din ako wala kaming stock ng pagkain sa bahay. Ang sipag kasi nitong Mare ko"singit naman ni Alex.

Nakatingin ito sa katabi nito, panay naman ang irap nito kay Alex.

"Anong tamad? Wala kang binibigay na pambili paano ako bibili ng lalamunin mo"sagot naman nito.

Napailing na naman ako. Akala ko pa naman kapag matapos naming mapakain ang mga anak namin pwede na kaming maglagi sa kwarto namin.

"Love, hayaan mo na nga sila. Tara nalang sa kwarto"ungot ko naman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Only PossessionWhere stories live. Discover now