11

12.5K 309 21
                                    

"NAKU! SANA pala sinamahan kita ng may kakampi ka"gigil na sagot ni Grace.

Dito ako tumuyol sa kanya after kong manggaling kila Tommy. Kakatapos ko lang ikwento sa knya ang nangyari kanina sa bahay nila Tommy.

Tinuwento ko lahat mula sa pagkakahuli ko kay Tommy pati na din kung paano ako pinalayas nila Tommy.

"Kasalanan ko din naman kasi di ako mabuntis buntis"umiiyak pa din ako habang nagku-kwento sa kanya.

"Tigilan mo ako Vina. Wala kang kasalanan sa mga hayop na iyon. Kung tutuuain nga sila pa may kasalanan sayo. Sa lahat ng pinagdaanan mo sa kamay nila sila ang dapat na mahiya sayo hindi ikaw. Mabuti pa nga di ka nagkaanak sa hayop na Tommy na iyon"gigil pa din si Grace habang nagsasalita.

Wala naman akong masabi kundi anh umiyak nalang ng umiyak.

Hanggang ngayin hindi pa din ako makapaniwala na nagawa sakin ito ni Tommy.

"Ang lakas ng loob ng Tommy na iyan na kunwari nagseselos siya kapag ginagabi ka. Iyon naman pala may iba ng kinakalantari. Aba! Hindi mo siya kawalan Vina! Sila ang nawalan hindi ikaw"dagdag pa ni Grace.

Alam ko naman pinapalakas niya lang ang loob ko kaya niya nasasabi ang mga bagay na iyon.

"Tumigil ka na sa pag-iyak mo. Pwede ba hindi sila worth it, hindi worth it ang Tommy na iyon sa mga luha mo"pagpapatahan sakin ni Vina.

Nilapitan niya ako at niyakap.

"At least ngayon malaya ka na. Iyon nalang ang isipin mo. Kung talagang mahal ka ng Tommy na iyon hindi ka niya lolokohin. Kaya ngayon ang isipin mo nalang hindi ka niya mahal kaya siya nangbabae. At magiging okay ka lang kahit na wala na si Tommy sa buhay mo. Nandito ako wag kang matakot okay"pagpapalubag loob ni Grace.

Niyakap ko din siya at sa kanyang balikat ako umiyak ng umiyak.

Sana nga ganon kadali ang sinasabi ni Grace. Kasi para sakin mahirap tanggapin at kalimutan ang.lahat ng nangyari. Kasi naman sampong taon ko ding kinasama si Tommy. Hindi biro ang sampong taon na iyon na pinagsamahan namin kaya mahirap itapon at kalimutan ang sampong taon.

"Matulog ka na, bukas pumasok na tayo sa trabaho okay. Tapos sa uwian deretso tayo ng bar. Hahanap tayo ng ipapalit mo sa Tommy na iyan okay. Wag ka ng umiyak"patuloy nito sa pagpapatahan sakin.

Onalalayan naman niya ako sa kwarto kung saan ako tumuloy ng isang linggo. Magdamag yata akong umiyak ng umiyak, di ko na nga alam kung kailan ako nakatulog.

Basta ginising nalang ako ni Grace at sinabing kakain na kami ng agahan. Nahihiya na ako sa kaibigan ko na ito. Free board and lodging na ako nakahanap.pa.ako ng kusinera.

"Ung bilin ko sayo.mamaya pag-uwian deretso tayo ng bar. Magpaparty tayo buong gabi"bilin sakin ni Grace ng nasa tapat na kami ng building.

Tinanguan ko lang siya tahimik lang ako hanggang sa makapasok kami sa loob at makasakay sa elevator.

"Smile kana Vina. Wag mong sayangin ang ganda mo ngayong araw na nakasimangot ka"bilin na naman niya bago niya ako iwanan sa elevator.

Kahit anong pilit kong ngumiti at wag umiyak hindi ko magawa.

"Oh! Pumasok ka na kaya mo na ba?"bungad sakin ni big boss.

Di ko alam na maaga siyang pumasok ngayon. Kaya nagulat ako at ng pumasok ako sa loob ng opisina niya nandoon na siya. Plano ko palang linisin ang opisina niya habang wala pa ito pero hindi niya pala magagawa.

"Good morning sir"walang gana na bati ko.

"Tsk, kung wala ka pa din sa mood na pumasok sana nagpahinga ka nalang muna"anito.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now