37

10.1K 294 15
                                    

A/n: stop muna ang drama.
Nabasa ko comment niyo sa mga nakaraang chapter dami niyo iyak. Ako din madaming iyak din ginawa ko habang nagta-type. Feel na feel ko ung ginagawa kong story. Whahaha drama ko.
Kaya ngayon bawasan muna natin ung drama ha. Dapat dun sa chapter 36 ko ito authors note eh.. Bagal kasi ang net.
Well happy reading...

..............
NASA LABAS NA naman ako ng opisina nila Thimothy. Narinig ko mula sa guard na wala ang mga magulang nila Thimothy sa bansa.

Kaya pala maluwag ang security ni Thimothy pagdating sakin. Isa pa pansin ko din nagiging maluwag na talaga ang mga magulang ni Thimothy pagdating sakin.

Siguro dahil walang maalala ang anak nila tungkol sakin kaya kampante sila.

"Miss Vina, mas maganda po umuwi nalang kayo.mukhang uulan na po"taboy sakin ng guard.

Napabuntong hininga naman ako habang nakatitig sa entrance ng building. Hapon na at uwian na ng mga empleyado. Malamang pati si Thimothy uuwi na din.

"Sandali nalang po. Baka lalabas na si Thimothy"aniko naman.

Wala namang nagawa ang mga guard kundi ang pabayaan ako. Nasa labas lang naman ako at hindi ako nanggugulo.

Pinapangako ko sa sarili ko na hindi ako papatol sa mga babae ni Thimothy ngayon. Mahirap ng mapagsabihan na naman ng mga masasakit na salita. Nakatatak pa naman aa utak ko ang mga huling sinabi ni Thimothy.

"Your here again?"inis na bulalas ng lalaki sa likod ko.

Pagharap ko nakatingin na naman sakin si Thimothy. Masama ang tingin niya sakin ako naman ngumiti nalang.

"Hi Thimothy"bati ko sa kanya.

Maganda ang mood ko ngayon kasi wala siyang kasamang asungot.

"Ano bang kailangan mo sakin? Why don't you just leave and get lost forever"sigaw nito.

Nginitian ko naman siya ng matamis bago ko siya nilapitan. Hindi prepared si Thimothy sa sunod na ginawa ko.

Kinuwelyuhan ko nga siya.

"Kapag ako napuno sayo malamang iyang 'get lost forever' na sinasabi mo gagawin ko. Pero kung ganitong mukhang good boy ka ngayong araw pag-iisipan ko pa"aniko bago ko siya halikan.

"Isa pa hindi ako titigil hanggang di ka nakukuha ulit. Makulit na kung sa makulit pero itong tatandaan mo. Hangga't Zulleta ang gamit kong apelyido babalik at babalik ako sa harapan mo at kukulitin kita hanggang sa bumalik ang alaala mo"maangas kong turan after ng smack kiss ko sa kanya.

Binitawan ko na siya at tinalikuran. Tama na ang mga nasabi ko sa kanya ngayon. Tutal halos maghapon na naman ako sa opisina niyang nakatambay.

Uuwi muna ako para sa mga anak namin.

Pero hindi pa ako nakakalayo may sumasalubong na naman na babae kay Thimothy.

Paglingon ko ayun nakikipaglaplapan na naman ang gago.

"Hoy Thimothy! Kakasabi ko palang na good boy ka ngayon. Nakatuka ka na naman ng iba"sigaw ko dito.

"It's not my fault na habulin ako ng mga babae"ganting sigaw nito sakin.

Nakangisi naman ang babaeng linta na nakadikit kay Thimothy.

"Hoy ikaw babae. Baka gusto mong bitawan ang asawa ko!"baling ko sa babae.

Napailing naman si Thimothy. Lalapitan ko na sana ang dalawa ng hilahin na ni Thimothy ung mukhang linta na babae pasakay sa sasakyan nito.

Nag-init tuloy lalo ang ulo ko sa ginawa ni Thimothy.

His Only PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon