30

11.2K 279 6
                                    

"THIMOTHY"tawag sakin ni Vina.

Nasa bahay na kami ngayon, after lang kasi ng masaya sanang binyag kaso nasira lang ng mga magulang ko kaya umuwi nalang kaming mag-anak.

Hindi na nga kami nagpaalam ng maayos sa mga bisita at mga kaibigan ko. Si Mariel alam ko naman na isasama na iyon ng mga magulang ko pauwi ng Manila.

"Thimothy"tawag muli ni Vina sakin.

Alam ko kung ano ang gustong sabihin ng asawa ko. Vina had a soft spot in her heart in terms of family.

"Hindi mo dapat sinagot ng ganon ang parents mo"anito.

Tama ako ng hinala, pagsasabihan na naman ako ni Vina tungkol sa mga magulang ko.

"Love please wag ngayon"awat ko naman sa kanya.

Sinundan ko nalang ang anak namin na sa loob ng bahay na excited ng buksan ang mga natanggap na regalo.

But Vina will never be Vina kung hindi niya ako kukulitin.

"Kahit na may sama ng loob sakin ang parents mo sana hindi mo na sila sinagot ng ganon. Kasi mas lalong lalala ang sitwasyon natin sa kanila. Nakita mo naman mas nagalit sila sakin"anito habang naglalakad kami papasok ng bahay.

Tinignan ko lang ang anak namin na nakasalampak na sa sahig namin sa sala at abala na sa pagbubukas ng mga regalo.

"And then what? Let them do what ever they wanted to do and tell you"inis ko naman na sagot.

"Thimothy, kahit anong sabihin nila wala naman sakin iyon. Ang mahalaga sakin kung ano ang naiisip mo sakin o kung ano ang tingin mo sakin. Ang magulang mo iniisip lang naman nila ang kapakanan mo. Kung sasabayan mo ang galit nila wala talaga tayong mapapala na maganda sa kanila"paliwanag na naman nito sakin.

"Ano ngayon kung ang tingin nila sakin pokpok. Basta ikaw hindi ka naniniwala sa masamang sasabihin ng iba sakin"dagdag pa niya.

Niyakap ko naman siya ng mahigpit dahil nagsisimula na siyang umiyak.

"Natatakot lang ako na baka mamaya niyan malaman ng anak mo ang nangyayari sa pagitan mo at mga magulang mo. Baka isipin ng anak natin na pwede niya ding sagut-sagutin tayo balang araw. Ayokong mawalan ng respeto ang anak mo satin o sa mga lolo at lola niya Thimothy"sabi pa nito sa pagitan ng paghikbi niya.

Para akong nahimasmasan sa naririnig ko mula sa asawa ko. Ano ba ang nagawa ko noong unang buhay ko, at pinagkalooban ako ng ganitong kabait na asawa.

Laking pasasalamat ko at nakilala ko si Vina at minahal niya ako. Siguro kung di ko siua nakilala baka kung kani-kanino pa din ako nakikisama ngayon.

Nagpapasalamat ako dahil hindi naging maganda ang kinalabasan ng buhay ni Vina sa dati niyang kinakasama. Kundi baka wala din akong napala kahit pa nakilala ko siya.

"I'm sorry, love. I promise the next time na magkaharap kami nila Mommy at Daddy I will control my temper"aniko habang pinapatahan siya.

"Thimothy, makipag-ayos ka na sa mga magulang para din naman kay Vince kapag nagkaayosnna kayong mag-anak"pakiusap pa nito.

"Vina, nakita mo naman kung paano ka nila kutyain. Mahal ko sila kasi they are my parents. Pero hindi ko naman kayang makita na ginaganon ka nila. Kasi mahal din kita kayo ni Vince"

Sinapo niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan at sa labi.

"And I'm so thankful with that kaya mahal na mahal din kita. At ayokong magaya ka sakin na walang magulang na makakapitan. Ayokong dumating ang araw na magsisisi ka sa desisyon mong kami ang pinili mo. Na dumating ang araw na matulad lang din tayo sa dati kong relasyon. Sa ngayon oo hindi ako tanggap ng mga magulang mo. Mas lalo nila akong hindi matatanggap ngayon dahil iisipin nila na inilalayo kita sa kanila. Mahirap Thimothy, gabi-gabi iniisip ko paano nalanh kapag nagsawanka na. Kapag nakapagod kana, baka matulad ka din kay Tommy na iiwanan nalang ako basta. Kahit pa alam ko na mahal mo ako. Magkakaroon pa din ng dahilan para magkasira tayo"mahabang pahayag ni Vina.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now