4

13.8K 332 6
                                    

"BOSS!!"

Kanina pa ako tawag na tawag kay big boss pero parang ang lalim ng iniisip niya. Nakatulala na siya kanina pa mula ng matapos ang meeting nito.

"Big boss, yuhoo!"tawag niya ulit dito.

Nakita kong napakunot ang noo ni big boss.

"Ang ingay mo Miss Robles!"inis na sagot nito sakin.

Napataas naman ang kilay ko sa naging sagot niya sakin.

"Sir kung wala na po kayong iuutos sakin pwede po bang mag-undertime. Kailangan ko pong makauwi ng maaga ngayon. Uunahan ko lang ang mga kabahay ko para naman di ako lagot kapag nagkataon"paalam ko kay boss.

Wala naman siyang ibang sagot kundi ang kaway ng kamay niya na sinasabing umalis na ako sa harapan niya.

Kanina ko pa napanson na parang bad mood si boss mula sa meeting. Pero kanina ng pabalik kami dito sa opisina ang galing niyang magbiro. Panay nga mga green jokes ang sinasabi niya sakin.

"Wow! Vina ikaw ba iyan?"gulat na puna sakin ni Grace.

Nagkita kasi kami sa banyo, balak kong magpalit ng damit bago umuwi. Medyo daring kasi ang pinasuot sakin ni Ma'am Mariel. Humahakab sa buong katawan ko, corporate attire siya na pencil cut ang tabas ng palda. White ang blouse na bakat na bakat din ang buo kong katawan.

Inayusan pa nga ako ni Ma'am Mariel kunting make up. Tapos kinulot pa nito ang buhok ko at binigyan din siya ng stiletto.

"Well, kailangan kong magpaganda. May meeting si boss na kailangan na presentable ako"sagot ko.

Tumago ito at nagmamadali nalang akong pumasok sa loob ng cubicle para magpalit ng damit.

"Bakit magbibihis ka ata? Wag ka ng magpalit ang ganda mo at ang sexy mo pa"ani Grace ng makapasok na ako sa loob.

"Hay naku friend kailangan ko ng magpalit at hiniram ko lang itong damit. Isa pa uuwi na ako at baka lagit na ako kay Tommy"sagot ko naman.

"Tsk, bakit naman kasi nag titiis ka sa jowa mo na super seloso. Sa ganda mong iyan naku ha kahit sino masisilo mo for sure"

Hindi na ako nagsalita at binilisan ko nalang ang pagbibihis ko. Mahirap kasing ipaliwanag sa mga kaibigan ko ang kalagayan namin ni Tommy.

Akala ko umalis na si Grace kasi natahimik siya. Kaya ganon nalang ang gulat ko ng makita ko siyang hinintay pala akong matapos na magbihis.

"Friend, un nga ang maganda eh feel na feel ko na mahal na mahal ako ng jowa ko kapag nagseselos siya"sagot ko sa sinabi niya sakin kanina.

inirapan niya lang ako habang umiiling siya sakin.

"Ewan ko sayo"sabi pa nito bago niya ako iniwanan.

Wala naman akong magagawa kung ano man ang tingin nila sakin. Basta ang sakin lang okay kami ni Tommy wala na akong pakialam sa ibang sasabihin ng mga tao sakin.

...................

BAD MOOD ako mula ng magsimula ang meeting. Bakit? Kasi naman halos lahat ng mga lalaking kameeting ko kay Vina na nakatingin at wala ng nakikinig sakin.

Hindi naman ako KSP o kulang sa pansin na tao. Naiinis lang akong isipin na tinitutugan nila ang secretary ko na para bang hinuhubaran na nila.

Ako lang may karapatan na tumingin sa kanya ng ganon.

Napakurap-kurap naman ako sa isipin ko na iyon.

What the hell I'm thinking.

Madaming beses akong umiling para mawala ang iniisip kong kalokohan sa secretary ko.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now