9

11.7K 259 13
                                    

NAGISING AKO sa isang hindi pamilyar na lugar. Basta puti ang lahat ng nakikita ko ngayon.

"Buti naman at gising ka ng bruha ka"ani ng isang babae.

Nang tignan ko kung sino ang nagsalita, si Grace lang pala.

"Asan tayo?"tanong ko.

"Asa ospital. Anong nangyari sayo at nagkaganyan ka?"galit na tanonh niya pero mababakas pa din aa boses na nag-aalala ito sakin.

"Wala ito nahulog lang ako sa hagdan"pagdadalihan ko.

Alam kong maling magsinungaling pero alam ko naman kasing bad shot na si Tommy sa kaibigan kong ito.

"Nahulog sa hagdan tapos nauna pepe mo kaya maga din bukod sa buong katawan mo puro latay kaya puno ng pasa at galos"gigil na sagot niya.

Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Ayokong pag-usapan ang nangyari sakin.

"Ikaw nga umamin ka. Binubugbog ka ba ng jowa mo?"pagpapaamin niya.

"Grace, nahulog lang tagala ako sa hagdan"pagsisinungaling ko.

Umiling lang ito sakin halata namang di siya naniwala sa sinabi ko.

"Kaya mo na bang tumayo at maglakad?di ka naman kasi iko-confine"pag-iiba niya ng usapan.

Tango lang naging sagot ko, tapos inalalayan na niya akong tumayo.

Naalala ko bigla wala akong pera para pangbayad dito sa ospital ngayon.

"Grace kasi---"

"Alam ko na, nakita ko ang wallet mo walang laman. Ako na bahala dito bayaran mo nalang ako kapag nakaluwag ka na"pigil niya sa iba ko pang sasabihin.

"Anong oras na?"tanong ko ng palabas na kami ng ospital.

Base kasi sa nakikita ko, tanghali na dahil ang taas na ng sikat ng araw.

"Past lunch na"

Nanlaki ang mata ko sa sinagot niya.

"Halla pano ang trabaho mo?"alalang tanobg ko sa kanya.

"Dont worry nagpaalam ako. Actually gulat nga ako ng tumawag ako kanina sa office sabi okay lang daw at may basbas sa taas ang leave ko"sagot niya na nakaluwag ng konsensiya ko.

"Saan kita ihahatid?"tanong ni Grace habang naghihintay kami ng taxi.

"Pwede bang sayo muna ako tumuloy?"nahihiya kong sagot.

Exaggerated na buntong hininga with matching taas pa ng mata ang sagot nito sakin.

"Finally"sagot pa nito.

Ngumiti nalang ako ng alanganin, sa totoo lang naman mahina pa din ako.

.............

INALAGAAN ako ni Grace, hindi siya pumasok kagaya ko. Ilang araw din akong nakikituloy sa kanya libre lahat ng gastos ko.

Ang nakakatawa pa pinadalhan ako ng mga gamit ni Sir Thimothy. Alam na niya ang nagyari sakin, welcome pa daw ako bumalik sa opisina. Magpagaling lang daw ako ng mabuti.

Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil binibigyan ako pa ako ng second chance. Hindi nga lang pala second chance madaming chance na.

Tapos naalala ko pa ang nangyari samin nong nagkita kami sa bar noon. Nakakahiya na nakipaghalikan ako sa boss ko pero okay na din kasi mukhang nakalimutan na din naman niya ang nangyari.

"Oh kumain ka ng kumain"abot sakin ni Grace ng isang plato ng pagkain.

"Panay ang luto mo ah. Nakakahiya naman sayo ang laki na ng utang ko sayo"

His Only PossessionKde žijí příběhy. Začni objevovat